AUTHOR’S NOTE:
Bago po tayo magsimula sa ating daily update ay nais ko lang pong ipaalala sa inyo na ang kwentong ito “The Only Man” ay tungol sa cheating, erotic at broken relationship. Patataasin nito ang inyong trust issues lalo na yung mga nasa l***q na nakaranas na lokohin at saktan ng kanyang kapareha.
Kung ikaw ay sensitibo sa ganitong topic o ikaw ay may sakit sa puso, o masyadong maramdamin, ipinapayo ko sa iyo na huwag mo na ituloy ang pagbabasa dahil masakit ang kwentong ito. Hindi fairytale o romcom na nakasanayan niyo sa akin. Alam kong aani ito sa samu’t saring reaksyon sa readers kaya’t ngayon pa lang handa na rin akong tanggapin ang negative na feedback nila.
Ito ay may temang “DARK ROMANCE”, CHEATING at EROTIC. Hindi po ako nagkulang ng paalala sa inyo. Kung nauunawaan mo ang ganitong tema maaari mong ituloy ang pagbabasa. SALAMAT PO
*****
The only man
AiTenshi
Dec 9, 2020
Part 5
"So nag-decide ako na iblock na si Inton at lahat ng communication naming dalawa. After ng ginawa niyang pambubugbog at kahihiyan sa akin? Never ko na siyang papatawarin! Pasalamat nga siya at pinipilit kong itake yung paleng na etits niya kahit medyo nahihirapan ako no. Pati pag subo ko papaling din!" ang emosyonal na wika ni Tar habang inaayos ang initial p*****t sa mga modelong magpupunta ngayong araw.
Ang aming mga models ay makakatanggap ng advance initial p*****t one week bago ang event. Ito ay ginagawa para makatiyak na sisipot sila at hindi mang-iindian sa naturang event. Mayroon kasing mga model na hindi nakakarating sa mismong oras ng event dahil mas nakakakita sila ng raket na mas malaki ang kita kaysa sa matatanggap nilang talent fee kaya naman binibigyan sila nito para walang takas at hindi sila mang-indian on time. "Sure ka ba na hindi ko na lalagyan ng 12k sa sobra ang asawa mo?" tanong niya sa akin.
"Sabi ni Gio ay gagawin daw niya ito ng libre kaya hindi na siya tatanggap ng TF, okay lang siya believe me," ang wika ko naman.
"Sure ka ha, alam mo naman maraming pinag-aaral na kapatid iyang si Gio or baka naman ikaw na ang gumagastos for them ha. Naku friend huwag kang masyadong mag invest sa family niya at baka maluge ka. Walang return of investment sa kanila no, take lang ng take pero wala silang gigive sayo kundi sama ng loob lalo na kapag nalalasing yung tatay niya na nagiging kasing honest ni honesto sa feelings niya. Nawawalan ng preno ang bibig at kung ano anong pinagsasasabi."
"Tar tuwing lasing lang iyon saka baka may natitira pa siyang tampo kay Gio o sa akin dahil yung panganay niyang anak ay lalaki rin ang nakatuluyan at hindi niya maipagmalaki ito. Remember hindi lahat ay nakakaunawa ng ganito," tugon ko naman.
"Sana all kasing understanding mo. Pero huwag aanga-anga ha, minsan ang taong sobra bait ay nagmumukhang may saltik!" hirit niya dahilan para matawa ako.
"Tar, believe me, mabait sa akin ang family ni Giovanni," ang wika ko habang nakangiti.
"Mabait sila sa iyo dahil may pera ka. Kung poorita at inayaya mo ng kasal si Gio ay tiyak hahabulin ka lang ng itak ng tatay non," ang taas kilay na sagot niya.
Natawa ako, "napaka-harsh, napaka-bitter mo pa. Anyway I suggest na makipagdate ka ulit at pasayahin ang sarili mo," nakangiti kong tugon
Habang nasa ganoong posisyon kami ay siya namang isa isang dumating ang mga modelo ni Tar. Magiliw namin silang winelcome sa loob ng aming opisina. Ang lahat ng damating ay pipirma lang sa tapat ng name nila patunay na natinggap ang initial p*****t.
At sa lahat ng modelong nag claim ay si Brix ang may pinakagwapo at pinakasusyal ang itsura. Literal na mukha nga itong korean at halatang inaalagaan ng husto ng balat at katawan. "Frend, siya yung sinasabi ko sa iyo na title holder sa bikini open doon sa kabilang city. O diba mukha t siyang korean," ang pagmamalaki nito.
"Thank you po sir Tar," ang wika ni Brix habang nakangiti. Ngumiti rin ako at kinamayan ito, nice to meet you Brix."
"Salamat po sir," ang sagot niya sa akin saka nakipagkamay.
"Don't worry Brix my darling, every modeling collection na ilalabas ng Gagarin House ay isa ka sa model namin, huwag kang magsasawa ha," ang wika ni Tar sabay abot ng sobre.
"Salamat sir Tar," magalang na tugon nito.
Bago lumabas si Brix at tumingin pa ito sa akin saka ngumiti. Kaya simpleng ngiti rin ang itinugon ko.
Noong makalabas si Brix ay napatingin sa akin si Tar, "alam mo pwede kayong dalawa sa BL series. Nung nagtabi kayo para kayong mga matinee idol sa thailand. Parang ganun yung datingan niyo e. Pero infairness friend ha, hindi ka nagpatalo sa kinis at puti ha. Winner ka rin don!" ang wika nito.
Tawanan kami..
Alas 2 ng hapon, nakatanggap ako ng text kay mama, nag aask ito ng tulong na kung maaari ay dalhin ko yung apat na flash drive na naiwan niya sa drawer ng kwarto niya kahapon. At dahil hawak ko naman ang oras ko ay nagdrive ako at dinala ito sa kanilang opisina. Nagdala na rin ako ng miryenda para mga kakilala ko at kaibigan sa opisina at para kay Gio na rin na walang kamalay malay na papunta ako doon.
Mula dita sa mall ay mayroong 20 minutes na byahe. At madalang ako magdrive ng sasakyan dahil kadalasan ay mas gusto ko pang magtaxi at magrelax sa likod. Gusto ko nga sanang mag-hire ng driver iyon ay kung papayag ang asawa ko dahil ang desisyon ay pareho naming pinagpapasyahan.
Naalala ko nga noong bagong palang kaming kasal, lahat ng simpleng bagay ay ipagpapaalam namin sa isa't, pagbili ng bagong smartphone, bagong damit o kagamitan. Kahit ang pagbukod ay pinagdesisyunan din namin, iyon nga lang ay hindi dito pumayag si mama dahil mag-isa na nga lang daw siya ay bakit iiwanan ko pa siya. Malaki ang aming bahay, dalawang palapag ito at paranh hotel ang desenyo. Ang nakatira lang dito ay si mama at ang ilang mga kasambahay na nakabukod pa ng quarters. Kaya naman noong pumasok sa aming isipin ang umupa nalang apartment para makapagsarili ay nagiiyak si mama, nahighblood at naospital pa ito dahil sa tampo at sama ng loob. Magbuhat noon ay nagdesisyon na kami na tumira nalang din sa bahay kasama siya upang walang gusot at walang tampuhang maganap. Di naman kasi sila live in ni Tito Nilo, dumadalaw lang si tito sa bahay o kung minsan ay nagkikita sila sa labas para mag date at mag travel.
Pagdating ko sa building ay agad akong sinalubong ng guard. Kinuha niya ang aking mga dala at isinunod sa akin. Laking tuwa naman ng mga kaibigan at mga kakilala ko na makitang dumalaw ako kaya iniabot ko sa kanila ang mga kahon ng pizza para sa miryenda. "Good afternoon po sir Jao," ang bati ng secretary ni mama
"Good afternoon, nandiyan ba si mama? Pinapadala niya kasi sa akin itong mga flash drive na naiwan sa bahay.
"Nandoon po siya sa 3rd floor at hinihintay na po kayo sir."
"Miss Glenda, kumusta naman ang trabaho at performance ni Giovanni dito sa company. Thank you sa train sa kanya," ang wika ko habang nakangiti.
"Matiyaga naman po ang husband mo sir Jao, nandito din siya sa same floor, wala lang po siyang idea na nadadalaw ka," ang tugon niya.
"O edi magulat siya," ang natatawa kong sagot sabay sakay sa elavator.
Pagpasok sa 3rd floor ay agad na bumulaga sa akin ang isang malaking silid na maraming cubicle sa bungad palang ay nakita ko na si Gio na abala sa pagttype sa kanyang laptop. Seryoso ito at punong puno ng papeles sa kanyang desk. Hindi naman niya napansin ang aking pagdating kaya ang ginawa ko ay tumayo lang ako sa kanyang cubicle at pinanood siya sa pagtatrabaho. Tinginan naman ang ilang employee sa loob kaya naman ngitian ko sila at kinawayan.
"Mukhang seryosong seryoso ka Mr. De Plata," ang bati ko na kayang ikinagulat. "Hon, anong ginagawa mo dito?" tanong niya sa akin.
"Iaabot ko lang kay mama yung mga iniwang flash drive doon sa room niya. Tara samahan mo ako," tugon ko naman.
Tumayo si Gio, iniayos ko ang kanyang kurbata ay kohelyo na nakapukaw ng pansin sa kanyang mga kaopisina. Pero hindil ko naman sila pinansin, ipinagpatuoy ko lang ang aking nagawang pag aaayos sa uniporme ng aking asawa. At nakapagwapo niya sa ha ganitong propersyunal na anyo.
"Ma, eto na yung mga pinapadala mo, hindi ka ba nalulungkot dito sa opisina mo dahil nag iisa ka?" tanong ko naman sabay halik sa kanya.
"Anak di ka ba nag-iisa sa opisina mo? Ang mga CEO ay dapat mag isa lang sa malaking opisina," ang biro ni mama dahilan para matawa ako. "Ma, nasa tabi ng table ko yung ka Tar kaya magulong kaming dalawa doon. Ayoko naman ng ganito ka boring na place," ang tugon ko naman.
"Makakasanayan mo rin ito, sooner or later. Kapag sawa ka na doon sa negosyo mo or maybe kapag dumating kana sa age na 35 or 38 at willing kana mag training sa akin? Saiyo na itong company then i will spend my years sa vacation kasama ang tito Nilo niyo. Magtulong kayo ni Gio dito sa company, para saan pa naging mag-asawa kayo? Saka may pangarap ako para sayo, may pangarap din ako para sa husband mo kaya sana pag sawa kana sa business mo ay iwan mo na ito kay Tar at lumipat ka dito sa akin," ang wika ni Mama.
"Salamat po mama, sa pagdamay sa akin," ang sagot ni Gio.
"Of course, asawa mo ang aking anak kaya ill make sure na good ang future niyo together. At isa pa balita ko ay marami pang di tapos ng pag-aaral sa mga kapatid mo. I think you should work hard para mapagtapos sila," ang tugon ni mama.
"Naisip ko nga na kuning scholar ko yung bunso ma, pagtatapusin ko hanggang college, kaso ay hindi ko pa nasasabi kay Gio, pero ngayon alam na niya."
"Totoo ba? Seryoso ka hon?" tanong niya sa akin na may ningning sa mga mata. "Oo naman, hayaan mo next year kapag tumuntong na siya sa highschool ay ako na bahala," ang tugon ko habang nakangiti.
"Wow, ang swerte ko sa iyo, grabe. Alam mo yun kahit undergraduate ako heto at nakauniporme ako ng maganda at nag tatrabaho sa isang malaking kumpanya. Hanggang hangga ng sa akin yung mga kabarkada dahil may trabaho ako matino at hindi paside line-side line lang sa pagmomodelo. Swerte rin ako dahil natutulungan mo yung pamilya ko. Minsan nga nahihiya na ko sa inyo ni mama dahil grabe yung tulong niyo sa akin," ang masayang wika ni Gio.
"Kasama sa sinumpaan nating tungkulin sa isa't isa ang magtulungan at iyon ang ginagawa ko bilang kabiyak mo," tugon ko sa kanya.
"Basta tumino ka lang ha, huwag mong gagayahin ang papa niyang si Jao na puro kalokohan at sumama pa sa ibang babae," ang hirit ni mam dahilan para matawa ako. "Ma, may tiwala naman ako kay Gio, hindi niya gagawin ang same mistake na ginawa ni papa noon. Saka bago palang kaming kasal, kaya hindi gagawa ng ganoong kalokohan ni Gio," ang tugon ko.
"Biro lang naman, wala sa mukha ni Gio ang magloloko at napakatahimik na tao, napakamahiyain pa," hirit ni mama
"Naku ma, trust me hindi ko na po kailangan ng iba. Si Jao lang po ay sapat na at sobra sobra pa. Mahal na mahal ko po iyan kaya't hindi ko siya magagawang saktan," pagmamalaki ni Gio.
"Narinig mo iyon ma? Mas maganda ako sayo," ang biro ko dahilan para matawa si mama. "Okay fine!" tugon niya
Tawanan kami.
Hindi na muna akong umalis sa opisina nilala, nahiga lang ako sa sofa habang si hinihintay ko si Gio na matapos ng kanyang trabaho. Nagugulat pa nga sa aking yung mga empleyadong nagpapa pirma kay mama dahil nakahiga ako sa kanyang opisina na parang bata. "Hi Jao, kumusta buhay may asawa?" tanong ng ninong ko na kaibigan ni mama.
"Okay naman ninong, ganun lang din naman. Ikaw kailangan ka mag aasawa?" tanong ko naman.
"Kapag may shota na ulit. Mahirap maghanap ng faithful sa panahon ngayon. Lagi nalang akong niloloko at pinagpapalit sa iba. Kaya nga naisipan kong mag diet na at magkaroon ng self improvement para hindi na ako iwan ng susunod kong partner."
"Tama ka dyan ninong, pero ang swerte mo sa career kaya siguro malas ka sa lovelife," ang biro ko naman.
Alas 6 ng hapon noong makapag-out si Gio, nag overtime pa itong 30 mins dahil kailangan niyang matapos ang ginagawang trabaho. Bago umuwi ay dumaan muna kami sa restaurant para mag dinner. Kitang kita ko naman ang saya sa kanyang mukha habang nag kukwento ito ng tungkol sa mga reaksyon ng kanyang mga kaopisina noong makita ako lalo na yung mga bagong salta palang at hindi alam ang status niya sa buhay.
Gayon pa man ay naramdaman kong proud na proud si Gio makita ako loob ng kanilang opisina. Tila ba gusto niya pagsigawan sa mga ito na asawa niya ako.
Itutuloy..