MAY naririnig akong maliliit na boses nang magkaroon ako ng malay. Iminulat ko ang aking mga mata at dim na kapaligiran ang bumati sa akin. Inaasahan ko na may dumakip sa akin kagaya ng sa mga pelikula, na makikita ko ang sarili na nakagapos o hindi kaya ay ito-torture ng mga dumakip sa akin. Iyon ang huling natatandaan ko bago ako mawalan ng malay. Bumigay ang katawan ko dahil sa aftermath ng pagsabog sa banquet na pinuntahan namin ni Silver. Wala sa tabi ko si Silver dahil nasa isang silid sila. May humigit sa akin at bumigay ang katawan ko kaya nawalan ako ng malay. “Grr!” Ito na naman iyong maliliit na boses na narinig ko kanina. Tinangka kong igalaw ang katawan ko pero naramdaman ko agad ang pananakit nito. As much na gusto kong tahimik na kumilos ay hindi ko iyon nagawa. Napad