“ANEESA…” Dahan-dahan akong nilapitan ni Yvo nang sa ganoon ay hindi mapansin ng sniper ang binabalak niyang pagliligtas sa akin. Ikinalma ko ang sarili. Kailangan ko ring magpanggap na wala pang alam na may sniper na tinututukan ako ngayon ng baril. Nang abot-kamay na ako ni Yvo ay mabilis niya ako itinulak para mawala ako sa spot ko. Saktong pagtulak niya ay nakarinig kami ng pagkabasag ng salamin. Nagulat ang mga tao dahil sa pagkabasag ng salamin. Para sa ilan, normal na pagkabasag lamang ng salamin ang nangyari pero para sa amin ni Yvo, iba ang pakiramdam dahil alam namin ang tunay na dahilan. Napaupo ako sa sahig at agaran akong nilapitan ni Yvo. “Are you okay?” Tumango ako sa kanya. Inalalayan niya ako para makatayo at tiningnan mabuti kung may galos ako. “Let’s get you out o