GUSTO ko sanang itanong kina Marco at Luigi kung sino ang lalaki pero hindi naman nila nakita. Ipinagkibit balikat ko na lamang ito at sumakay na sa kotse para makauwi. Pagdating namin sa bahay, naabutan ko na naghihintay na si Silver sa may pinto. Siguro ay nasabihan na siya nina Luigi na pauwi na kami. Ngumiti ako sa kanya nang makalabas ako ng kotse. Gusto kong tumakbo papalapit sa kanya at yakapin siya ngunit naisip ko na masyado naman iyon kung gagawin ko pa. Feel na feel ko naman na ako na ang asawa. Tumayo nang tuwid si Silver at inilagay sa pocket ng kanyang pants ang isang kamay. Kumislap ang customized Rolex watch niya nang tamaan ito ng liwanag. “Hi!” masayang bati ko sa kanya. Hindi nagbago ang malamig na ekspresyon ng mukha ni Silver pero dahan-dahan na akong nasasanay