IT’S been a month since ikinulong ako ni Silver at nangyari ang pagtataksil ni Luigi. Hanggang ngayon ay isang hiwaga para sa akin ang mga plano ni Silver. Hindi ako nakakaalis ng bahay kapag hindi siya kasama, kagaya ng gusto niya. May pagkakataon na kung lalabas ako at wala siya ay sangkatutak na bodyguards ang kasama ko. Daig ko pa ang president ng bansa. May pupuntahan kami ngayon ni Silver. Hindi ko alam kung saan dahil ayaw niya namang sabihin sa akin. Malayo-layo ang pinuntahan namin. Nakatulog na lamang ako sa byahe at lahat. Nang tumigil ang kotse ay tiningnan ko kung anong lugar ang pinuntahan namin. It’s a mansion. “Kaninong bahay ito?” Tumingin ako kay Silver pero hindi niya na ako nagawang masagot pa nang bumukas ang malaking gate ng mansyon. Namamangha ako sa exterior