Kahit anong pangungulit ang gawin ni Patricia kay Kahl-el ay hindi nito sinabi sa kaniya kung sino ang naghihintay sa kanila sa Antipolo. Kinabahan tuloy siya nang hindi niya mawari. Nang makarating sila sa restaurant ay isang matandang babae ang naghihintay sa kanila. "Nanay, this is Patricia. Patricia, ang nanay ko." pagpapakilala ni Kahl-el. Hinagkan niya sa pisngi ang babae. Nasasabik siya na nabibigla. Gusto niyang kastiguhin si Kahl-el na hindi man lang nito sinabing ang ina pala nito ang naroon. Kung sinabi sana nito, nakapagsuot man lang sana siya ng mas disenteng damit. Hindi tuloy niya maiwasang maging uneasy nang mga sandaling iyon. Hindi naman sa hindi disente ang suot niya, nagkataon lang na masyadong sexy iyon. Unang pagkakataon pa naman nilang nagkita ng nanay nito. Ang