"This better be good! Pinky wanted to kill me for this!" Naging sapat na para kay Patricia ang kasiyahan sa mukha ni Kahl-el upang masulit ang biglaang pagpapaalam niya sa manager niya na si Pinky na hindi siya makakasama sa mga shootings niya para sa linggong iyon. Mabuti na lamang at dalawa lang ang eksena niya dahil nakapag-advance taping naman na siya noong nakaraan. Maaari lamang gawin ang kanselasyon kapag may emergency o may sakit ang artistang handle ng kaniyang manager. Subalit kahit minsan ay hindi pa niya nagagawang mag-kansela ng mga commitment niya, as in ngayon pa lamang kaya hindi siya magawang tanggihan ni Pinky. Nagdahilan na lamang siya ritong may mahalagang-mahalaga siyang aasikasuhin at sa pagbabalik na lamang niya siya magpapaliwanag. Biglaan kasi ang pagtawag sa kan