Chapter I

1732 Words
CHAPTER I Lily’s POV *Three Years Later* “No way I’m going to work with that jerk again!” I shouted at the top of my lungs. Padabog kong kinuha ang mga gamit kong nakapatong sa sofa. Tumayo ako at tinalikuran ko ang aking manager at ang CEO ng ahensyang kinabibilangan ko. Matapos ang lahat ng ginawa niya sa ‘kin tatlong taon na ang nakalilipas. Baka masuntok ko lamang siya kapag nakita ko siyang muli. Hinawakan ni Pia ang kamay ko. Si Pia lang naman ang nag-iisang manager kong tumagal sa ‘kin ng ilang taon. Halos lahat kasi ng mga nagiging manager ko ay binibitawan ako dahil sa katigasan ng aking ulo. Si Pia lang ang nag-iisang nakatiis sa ugali ko. Siya lang rin ang nag-iisang manager na ginusto akong i-handle kahit andami nang issue ang pumapalibot sa ‘kin. “Come on, Lily. Think about it. Baka ito na ang huling pagkatataon mo na makabalik sa limelight. The producer of the show was the one who invited you…he was the only who saw your potential amidst the controversies,” sabi niya sa ‘kin sa malumanay na boses. Binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. “Potential my ass.” Napairap ako sa ere. “Malay ko ba kung gusto niya talaga ‘kong kunin o gusto niya lang maging matunog ang show niya kaya kinukuha niya ako at ang bwiset na lalaking ‘yon.” Hindi naman ako mangmang para hindi malaman kung ano talaga ang plano ng producer ng show na ‘yon. Bubuo sila ng limang magkakapareha para sa limang iba’t ibang palabas. Gusto nila akong kuhanin maging ang dati kong kasintahan. Ano ‘yon trip-trip lang nilang pagsamahin kami ulit? Asa! Noong isang buwan lamang ay nagmamakaawa ako sa kaniya na kunin niya ako bilang bidang babae sa palabas niya. Halos lumuhod na nga ako sa harapan niya at halikan ang kaniyang sapatos. Tapos ngayon wala pang isang buwan nagbago na agad ang ihip ng hangin. Nakasisiguro ako na kaya lamang niya ako gustong kunin ay dahil sa panibagong usapan na kumakalat ngayon sa social media. May mga pictures lang naman kami ni De—ah basta siya, ayoko nang isipin pa ang pangalan niya. Kumakalat lang naman ang kuha namin na nag-uusap noong isang araw. Na sigurado naman akong manager niya ang nagpakalat. Paanong hindi ako nakasisiguro na manager niya ‘yun kung nasa loob kami ng dressing room ko nag-usap at ang manager niya lang, ako, at siya ang nasa loob noon. Alangan namang ako ang nagpakalat ng imaheng ‘yon, samantalang ayoko nang madikit ang pangalan ko sa kaniya. Kung hindi man ang manager niya ay baka siya ang nagpakalat. Well, bad publicity is still publicity. Ang kapal talaga ng mukha ng lalaki na ‘yon na gamitin ako para sa pansarili niyang kagustuhan. “Pia,” sabi ko sa nagbabantang boses. “Lily…” Bumuntong hininga siya. “This is the first time that you’ll have a chance to go back to the big screen after three years…I…I don’t want you to stay where you are right now,” pakiusap niya sa ‘kin. Napaiwas ako ng tingin sa kaniya. Nakagat ko ang aking labi. Nagdadalawang isip na tuloy ako ngayon dahil sa sinabi ni Pia. Gusto ko naman talagang tanggapin ang alok sa ‘kin ni Producer Mark. Pero nang malaman kong maging ang manlolokong ‘yon ay kasali ay para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Ang ayoko lang naman ay ang magiging kapalit nang pagtanggap ko rito. Hindi ko pa ata kayang makita ang pagmumukha ng mokong na ‘yon araw-araw. “But he –“ Napalingon kaming dalawa ni Pia sa pintuan nang bumukas ito. Napairap ako sa ere nang makita ko kung sino ang pumasok dito. “I can’t believe you, Lily. Hanggang ngayon ba naman hindi ka pa rin nakamo-move on diyan kay –“ Hindi ko na pinatapos magsalita si Amelie. Ang pambubuska niya sa akin ang pinakahuli kong gustong marinig ngayon. “I’ll take it,” walang pagdadalawang isip kong sabi. Nilakasan ko ang aking boses. Sapat na para marinig ni Amelie, Pia, at ng aming CEO. Nanlaki ang mga mata ni Pia. “Are you sure about this, Lily?” Naguguluhang tanong ni Pia. “Akala ko ba—“ I cut her off. Nginitian ko siya ng peke. “Of course I am. Ano ba naman kung makatratrabaho ko si D...Dean. He’s just a past…and he will stay that way,” I proudly said to the three of them. Hinigpitan ko ang hawak ko sa aking bag. “…At isa pa wala naman na akong pakialam sa kaniya…so why wouldn’t I accept the offer right?” Napairap ako sa ere nang makita ko ang pagtaas ng gilid ng labi ni Amelie na parang tuwang-tuwa siya sa mga sinabi ko. Daig pa niya ang nanonood ng telenobela na nagkatuluyan na ang bida sa sobrang saya niya. Niyakap ako ni Amelie. “That’s my girl.” Hinarap niya sina Pia. “Make sure that the contract will be ready within the day…bago pa magbago ang isip nito.” Napabuntong hininga na lamang ako. Sana lang talaga hindi ko pagsisihan ang padalos-dalos kong desisyon. Hinila ako ni Amelie papunta sa sofa at pinaupo rito. Walang buhay naman akong nagpahila sa kaniya. Ayoko nang umangal pa at baka mamaya ay abutin pa kami ng siyam-siyam sa pakikinig sa mga sermon niya. “You should be thankful that they are willing to cast you in their show,” panimula ni Amelie. “Yeah, right. They should be thankful that by casting me, a lot of viewers will watch it to see all the wrong things that I’ll do and downgrade me,” sarkastiko kong sabi. Nakagat ko ang aking labi. What did I just say? Kailangan ko na ata talagang bumili ng busal sa bibig para wala na akong masabing mali. Amelie looked at me with pitiful eyes. She looked like she was about to cry any moment from now. I scoffed at her. “Don’t look at me like that. You’re making me hate myself,” galit kong sabi sa kaniya. Iniwas niya ang tingin sa ‘kin at napahinga ng malalim. “Lily, don’t take this negatively. They don’t need you to make the show the talk of the town. I’m sure that they want you to be a cast because Producer Mark saw something in you,” dahan-dahan niyang sabi sa ‘kin. “How sure are you?” panghahamon ko sa kaniya. “They cast an internationally known actor-model. I’m sure that would be enough for them to attract viewers.” “That will be enough…if they won’t be too greedy.” “Lily—“ Tumayo ako. “I need to go. May kailangan pa akong gawin. Just send me the details of my schedule,” sabi ko bago tuloy-tuloy na naglakad palabas ng opisina ng aming CEO. Napapikit ako nang masilaw ako sa sunod-sunod na pag-click ng camera nang makarating ako sa entrance ng building. “Totoo bang magkakasama ulit kayo ng ex-fiance mo sa isang proyekto?” “Nagkabalikan na ba kayo ni Dean?” “Handa na ba siyang tanggapin ka ulit matapos ng naging panloloko mo sa kaniya?” “Napatawad na ba kayo ni Dean?” “Ginagamit mo lang ba si Dean para maging matunog muli ang pangalan mo sa industriya?” Sunod-sunod na tanong ng mga reporters sa ‘kin. Nanatili lamang akong nakatayo doon habang nagkukumpulan sila sa ‘kin. What the heck!? Sabi ko na nga ba at ganito ang mangyayari. Hindi pa nga opisyal na kasali ako sa cast ng bagong ipalalabas na show. Ngayong usap-usapan pa lang ito ay pinagpyepyestahan na ako ng mga reporters. Paano pa kaya kung maging opisyal ito? Sinubukan kong kumawala sa pagkukumpulan nila pero hindi ko magawa. Sa sobrang dami nila ay para akong langgam na pinalibutan ng mga higanteng tao. “Anong masasabi mo sa mga usap-usapan na kumakalat ngayon?” “Naghiwalay na ba kayo noong lalaking kasama mo sa bar noong gabi bago ang iyong kasal?” “May balak pa ba si Dean na ituloy ang pagpapakasal sa ‘yo na naudlot tatlong taon na ang nakalilipas?” Gusto kong sagutin ang lahat nang binabato nilang tanong sa ‘kin. Pero sa halip na magdagdag pa ako ng panibagong issue ay mas pinili ko na lamang manahimik at lunukin ang lahat ng mga tanong nilang may laman. Napalingon ako sa likod ko ng may nagpatong ng itim na jacket sa ulo ko. Sapat na para takpan ako mula sa mga chismoso at chismosang reporters. Tinignan ko ito at nakita ko ang isang pares na pamilyar na mga mata. Nakasuot siya ng itim na sombrero, at itim na face mask. Pero hindi sapat ang mga ‘yon para takpan ang maamo niyang mukha. Napapitlag ako nang inakbayan niya ako at hinila palapit sa kaniya. Nagpaubaya ako sa pag-akay niya sa akin papunta sa isang mamahaling sasakyan. Isinakay niya muna ako sa may passenger seat bago siya umikot at sumakay sa may driver’s seat. Mangha akong nakatingin sa kaniya nang pinaharurot niya ang kaniyang sasakyan papalayo sa mga nagkukumpulang reporters. Nilingon ko ang mga naiwan naming reporters na gulat na gulat sa mga nangyari. Nakagat ko ang labi ko. Siguradong ako na naman ang headline ng balita mamaya. Pasimple kong nilingon ang lalaking nagmamaneho ng kotse. Kilala niya kaya ako? Bakit niya ako inilayo sa mga reporters? Nilakbay ko ang mata ko sa kaniya. Hindi naman siya mukhang mangunguha ng lamang loob ng tao. Hindi rin naman siya mukhang kidnapper o di kaya’y mamatay tao. Bakit niya kaya ako sinakay sa kotse niya? Napalunok ako. Wala naman siyang gagawing masama sa akin diba? Bakit nga ba ako nagpatianod sa paghila niya sa ‘kin? Hindi ko tuloy alam ngayon kung kailangan ko na bang mag-panic at tumakas rito o mas mabuting maging kalmado lamang ako. Hininto niya ang kotse niya sa may gilid ng kalsada. Inilibot ko ang paningin ko sa labas at wala akong nakitang ibang sasakyan at tao maliban sa aming dalawa. Nagtataka ko siyang nilingon. Nasalubong ng mga mata ko ang mga mata niyang mapagmasid. I was too stunned to ask him where we were when I felt my heart skip a beat when his eyes met mine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD