Prologue
PROLOGUE
Lily’s POV
Inisang tungga ko ang basong may laman ng alak. Nasa loob ako ngayon ng isang maingay na bar. Mag-isa akong nakaupo sa pinakadulong parte nito.
Nakasuot ako ng itim na hoodie jacket na pinaresan ko ng isang itim na jogger pants. Nagsuot rin ako ng sumbrero at isang malaking salamin na halos takpan na ang buong mukha ko.
Sinigurado kong balot na balot ako mula ulo hanggang paa para hindi ako makilala ng mga tao sa loob ng bar.
“One more, please,” utos ko sa bartender na malapit sa ‘kin.
Nakatulala ako sa kawalan habang iniisip kung ano ang mga nangyari kani-kanina lamang.
Naramdaman ko ang mainit na likidong umagos mula sa aking mga mata pababa sa aking magkabilang pisngi. Sunod-sunod ang naging pagpatak ng mga luha ko habang nananatili akong nakatulala sa kawalan.
Paano niya nagawa sa ‘kin ‘yon? Paano niya ako nagawang lokohin?
Masaya naman kami noong isang araw habang plinaplano namin ang magiging buhay namin pagtapos ng kasal.
Naging maayos naman ang dalawang taon naming pagiging magkasintahan, pero bakit niya nagawa sa ‘kin ‘to? Bakit niya ako nagawang ipagpalit?
Maganda naman ako, sikat, at sexy. Marami ring lalaking nagkakandarapa sa akin. Ano bang wala ako na nahanap niya sa ibang babae?
Inilapag ng bartender sa harap ko ang panibagong baso ng alak.
“Here you go, Miss.”
Hindi ko na nagawang magpasalamat sa kaniya. Inisang tungga ko na lamang muli ang alak na inabot niya. Nagbabakasakali na kasabay nang pagkalunod ko sa alak ay ang pagkawala ng sakit na dumudurog sa aking puso.
Naramdaman ko ang pag-vibrate ng telepono ko sa aking bag. Kinuha ko ito at tinignan kung sino ang tumatawag.
Walang gana ko ‘tong sinagot at inilapit ‘to sa aking tenga.
“Mom?”
“Oh my god, Lily! Nasaan ka na ba? I’ve called you for a hundredth time now,” she exclaimed.
Nanatili akong tahimik habang pinapakinggan ang kaniyang pagrereklamo sa kabilang linya.
“You should go home now. You will need a beautiful sleep so you can be the most beautiful bride in the world tomorrow,” dagdag pa nito.
Bumuhos muli ang mga luhang nagbabadya sa aking mga mata.
“Mom—“
“Come home, Dear. We’re all worried about you.”
“Mom—“
“We’re all excited for your wedding,” she giggled on the other line.
I bit my lips. “Mom—“
“I’ll—“
Pinutol ko na ang susunod niya pang sasabihin. The last thing that I wanted to give her was false hope for a grand wedding tomorrow.
Nagsalubong ang mga kilay ko. “Mom, listen to me first…” seryoso kong sabi.
“What is it, Dear?”
I sighed. At last, she finally let me talk.
Parang may malaking bara ang lalamunan ko at hindi ko magawang makapagsalita agad.
Huminga ako ng malalim at nag-ipon ng lakas. “The weddings off,” sabi ko sa mahinang boses.
“What!?” litong sabi niya sa kabilang linya. “What…I don’t follow…are you insane?” hindi makapaniwala niyang sabi.
“Tell everyone that the wedding is off,” I calmly said.
“But Lily, how about the guest, the church, the—“
Pinatay ko na ang tawag bago pa siya umangal sa desisyon ko. Pinal na ang desisyon ko at ayokong magpadala na naman sa sasabihin ng ibang tao.
Kung hindi lang ako noon nagpadala sa sinasabi ng iba ay baka matagal na akong nakipaghiwalay sa walang hiyang lalaking ‘yon. Kung hindi lamang ako nakinig sa sinasabi ng ibang tao… baka… baka hindi ako nasasaktan ngayon.
I put my phone into airplane mode and slid it into my bag.
Inisang tungga ko ang baso ng alak na nasa aking harapan. Inangat ko ang aking tingin sa bartender ng muli itong maglapag ng baso sa harapan ko.
“It can help you forget that bastard,” sabi nito sa ‘kin.
Kinindatan niya ako bago muling binalik ang atensyon sa iba pang customer.
Gulat ko siyang pinagmasdan habang papalayo sa akin. Nagkibit balikat na lamang ako at tinungga ang alak na binigay niya sa ‘kin. I don’t think that accepting drinks from a bartender would bring me harm.
“Are you for real? Iiwanan mo ba talaga ‘ko dito sa Pilipinas dahil lang sa hiling ng pamilya mo?” sabi ng babae sa may bandang likuran ko.
Pasimple akong lumingon dito. Medyo pamilyar kasi sa akin ang kaniyang boses.
“Napag-usapan na natin ‘to diba?” sagot ng lalaki sa kaniyang harapan.
Magkasalubong ang mga kilay nito habang nakikipag-usap sa babaeng nakaupo sa kaniyang harapan. Hindi ko makita kung ano ang reaksyon ng babae dahil nakatalikod siya sa banda ko.
Tumayo ang babae. “Napag-usapan, oo. Pero alam mo namang ayoko diba? Bakit tutuloy ka pa rin?”
Napaiwas ako ng tingin nang magtama ang mga mata namin noong lalaki.
Hindi ko naman sinasadyang makinig no. Kasalanan ko bang malakas ang boses nilang dalawa, ayun hindi ko tuloy maiwasang marinig ang pinag-uusapan nila.
I heard him sigh heavily. “I…I can’t disobey my parents this time… They had enough of me… and you know that,” sabi nito sa malumanay na boses.
Hindi ko na narinig na sumagot ang babae. Ang sumunod ko na lang na narinig ay ang mabibigat niyang paghakbang. Nilingon ko siya at tanging ang likuran na lamang niyang papaalis ng bar ang nakita ko.
Ipinagkibit balikat ko na lamang ito. Baka namali lang ako ng rinig. Baka imagination ko lang ‘yong pamilyar niyang boses dahil sa sobrang kalasingan.
Nang maubos ko ang laman ng baso na inilagay sa ‘kin ng bartender ay muli siyang lumapit sa ‘kin para kuhanin ito. Muli niya akong binigyan ng isa pang baso ng alak.
Pagkaabot niya sa ‘kin ng panibagong alak ay bumalik na ulit siya sa pagtimpla ng order ng ibang tao sa loob ng bar.
Nagkibit balikat na lamang ako at tinanggap ang inabot niya sa aking alak. Ilang beses niya pa itong ginawa.
Kapag naubos ko na ang alak na binigay niya ay kusa niya itong pinapalitan kahit wala pa akong sinasabi sa kaniya.
Hindi ko na tuloy napansin kung naka ilang baso na ako ng alak. Umiikot na ang paningin ko at para na akong hinehele nang ingay ng musika sa loob ng bar.
Halos magsara na ang talukap ng mga mata ko sa sobrang kalasingan. Pero kahit ganoon ay ayoko pa ring tumigil sa pag-inom.
Sa bawat pagpikit ko kasi ay nakikita ko ang tagpong inabutan ko kanina. Nakikipaghalikan lang naman ang mapapangasawa ko sa loob ng katabing bar nitong bar na kinaroroonan ko ngayon.
Pagpipikit ako ay nagdidilim ang paningin ko. Literal na nagdidilim talaga. Gusto ko na lamang magwala at manakit ng ibang tao.
Gusto kong maghiganti. Gusto kong iparamdam sa kaniya ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
Hindi na nahiya at sa pampublikong lugar pa talaga siya nakipaghalikan. Palibhasa ay kakilala niya ang may-ari ng bar kaya nasa loob sila ng pribadong parte ng bar.
Nawala ang lahat ng iniisip ko nang marinig ko ang pagtunog ng isang bar stool na inurong palapit sa ‘kin.
“Alone?” tanong ng isang lalaki na tumabi sa ‘kin.
Napairap ako sa ere. Hindi ba halata? “What a useless eyes you have there?” mataray kong tanong sa kaniya.
Hindi ko alam kung tanga ba siya o sadyang bulag lamang. Nakita niya na ngang wala akong kasama at tanging pader lang ang katabi ko magtatanong pa siya.
“Ooh, feisty. I like that,” he said in a flirtatious tone.
He also winked at me that made me roll my eyes. Tsk, men and their ways.
I had enough shits today from men. Hindi ko na kailangan ng isa pang lalaking maninira ng araw ko.
Kung ano-ano pa ang tinanong niya sa ‘kin pero hindi ko na siya binigynag pansin.
Nanatili akong nakaupo sa aking pwesto habang tinutungga ang mga alak na inaabot sa akin ng bartender.
“Come on, beautiful. Huwag ka nang magpakipot,” sabi nito.
Napatayo ako nang maramdaman ko ang kamay niya sa aking hita. Awtomatikong dumapo ang palad ko sa kaniyang pisngi.
Really, was he for real? Naka-jogger pants at jacket na ko’t lahat-lahat nakuha niya pa ring mangmanyak. Beautiful? Samantalang balot na balot nga ako ngayon na halos hindi niya na makita ang mukha ko.
It’s not the women’s fault if they get sexualized. No one would be sexualized if there were no s*x offenders.
Napahawak ako sa pader nang makaramdam ako ng pagkahilo dahil sa biglaan kong pagtayo.
“s**t!” mahinang mura ko ng muntik na akong tumumba sa sahig.
Masyado atang marami ang nainom ko at hindi na ako makatayo ng tuwid. Umiikot na rin ang paligid ko. Dinaig ko pa ang ilang beses nang sumakay sa extreme rides sa sobrang pagkahilo.
“Aww!” sigaw ko ng may humawak ng mahigpit sa braso ko at mariin akong sinandal sa pader.
“s**t…”
Sa sobrang lakas nang pagkasasandal niya sa ‘kin ay nabali na ata ang spinal cord ko.
Dinilat ko ang mga mata ko. Nanlalabo na ang paningin ko sa sobrang kalasingan. Mayroon akong nakikita pero hindi ‘yon sapat para makilala ko kung sino ang may hawak sa ‘kin.
Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. “Ang kapal naman ng mukha mong manampal, eh halata namang gusto mo rin,” gigil nitong sabi.
The heck! Ang feeling naman. Kung wala lang alak ang sistema ko at kung hindi lang ako parang sinaksak sa likod ay baka kanina ko pa siya sinampal.
Muntik na akong masuka nang inalog-alog niya ako habang hawak-hawak ang magkabila kong balikat.
“You bit—“
Nagtilian ang mga tao sa loob ng bar. Hindi ko na alam kung ano ang mga sumunod na nangyari.
Naramdaman ko na lang ang pagtigil nito sa pag-alog sa balikat ko at ang tuluyan kong pagbagsak sa sahig.
Narinig ko rin ang pagkabasag ng ilang mga bagay at ang patuloy na sigawan ng mga tao sa aking paligid.
“Miss, are you fine?” tanong sa akin ng isang baritonong boses.
Tinapik-tapik niya ang balikat ko. “Are you awake?” tanong pa niyang muli.
Sinubukan kong idilat ang mga mata ko, pero kahit anong gawin ko ay hindi ko siya mamukhaan.
Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako o dala lang ito ng sobrang kalasingan. Pero nakikita ko sa kaniya ang mukha ng lalaki na nakipagtatalo sa babaeng may pamilyar na boses kanina-kanina lamang.
Tinulungan niya akong makatayo. Muntik ulit akong bumuwal, mabuti na lamang at nasalo ako ng kaniyang matigas na bisig.
“Come on. I’ll take you home,” sabi nito sa nakaheheleng boses.
Teacher ba siya? Doktor? Singer? Bakit napakakalmado ng kaniyang boses at ang sarap-sarap nitong pakinggan?
“Miss?”
Muli niyang tinapik ang aking balikat.
Napakapit ako sa kaniyang braso. Naramdaman ko ang unti-unting paghila sa ‘kin ng dilim.
“s**t! Miss? Miss!?”
Narinig ko pa ang iilan niyang munting mga mura bago ako tuluyang hilahin ng antok.