“SIR THEO!” nakangiting sambit ni Maybel sa pangalan ng binata nang humiwalay siya rito. Mabilis pa siyang napatayo ng tuwid. “H-hello po! Nagkita ulit tayo.” kumaway pa siya rito. “You are here!” anang binata at bahagya pang ginulo ang tuktok ng kaniyang buhok. “Dalawang beses na tayong nagkakabangaan sa labas ng banyo a!” nakakalokong ngiti ang biglang sumilay sa mga labi nito. Napahagikhik na lamang din siya nang maalala niya ang unang beses na pagkikita nila sa loob ng bar nang gabing iyon. Sa tapat din iyon ng banyo. “By the way sir, ikaw po ba ang tumulong sa ‘kin para makapasok dito?” mayamaya ay tanong niya. “I told you, I‘ll help you!” sagot nito at naglakad na. Sa halip na pumasok sa banyo para umihi ay kaagad siyang sumunod sa binata. Hindi na lamang niya pinansin ang pantog