BIGLANG naalimpungatan si Hunter nang tumunog ang cellphone nitong nakapatong sa ibabaw ng bedside table. Inaantok man ay inabot nito ang cellphone. Hindi manlang ito nag abalang tingnan ang screen para alamin kung sino ang tumatawag dito, basta na lamang iyong sinagot. “Yeah?” anito sa inaatok na boses. “Sir, I just want to remind you that you have meeting today. Ten o‘clock.” ang boses ng isang babae mula sa kabilang linya ang bumungad dito. Kunot ang noo na inilayo saglit ni Hunter ang cellphone sa kaniyang tainga at tiningnan ang screen niyon. It‘s his secretary. And it‘s seven thirty in the morning. Kaya pala ito tumawag sa kaniya dahil male-late na siya ng pasok sa trabaho niya. Mula sa pagkakadapa sa kama ay umupo ito sa gilid at sumandal sa headboard. Bahagya pa nitong minesah