Episode 11

615 Words

(Miranda POV) " Mira ano ba nagawa kong kasalanan sa iyo at kanina mo pa ako hindi kinakausap?" naiinis kasi ako sa kanya. siya ang dahilan kung bakit naudlot na naman ang halik ni Sir hotty sa akin. " Ewan ko sa iyo. Huwag mo ako kausapin!" tinalikuran ko na ito. " Sorry na kahit hindi ko alam kung ano ang ginawa ko." sinundan niya ako naupo siya sa table ko at nagpaawa effect siya. " Okay." tipid kong tugon. Naiinis pa din ako. Lagi na lang nabibitin. " Bakit may ginagawa ba kayo ni Sir hotty kanina at naudlot?" pilyang ngiti niya sa akin. Inirapan ko ito. " Wala kaming ginagawa nag uusap lang kami" pagsisinungaling ko. " Hay naku aminin mo na kasi iyang pagsusungit mo na iyan sa akin tanda ng nabitin." tumawa ito. " Ang kasabihan, asarin mo ang lasing wag lang ang taong nabitin!"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD