Chapter Three

1059 Words
THE GIRL look like an cute little teenager while her bangs are covering her right eye in a stylish kind of way and her raven black hair is flowing at her back. Nasa five three lang marahil ang height nito kung ikokompara sa five eight na height niya. Nakasuot lang ito ng skinny jeans at baby blue shirt matching with a chuck taylor shoes sa tantiya niya ay nasa sixteen or seventeen years old lang ito. “Yes, Miss how may I help you?” snapping at her thoughts Kai asked the girl. "Good morning, I’m looking for Ms. Yurina Savalle?”  She said in a cheery voice. “It’s Euerina.” Pagtatama niya pero ewan niya ba at parang magaan ang loob niya rito kahit ngayon pa lang sila nagkita at mukhang napansin naman ni Kai na hindi ito masamang tao kaya medyo nag-relax na ito sabagay kung siya nga na kahit mali ang pagkakabanggit ng pangalan niya ay hindi nagalit dito ito pa kaya? Teka bakit bigla na lang nawala si Jerome? “Opps… Mian he— I mean sorry. Hindi kasi ako matandain sa pangalan eh.” She smiled sweetly at them kaya hindi na niya napigilan pa ang sariling ibalik ang ngiti nito. “Ano nga palang kailangan mo?”  aniya wondering why she is here. Noon lang yata nito naalala kung bakit ito naroroon base sa ekspresyon ng mukha nito. Napakadali lang basahin ang mga emosyon nito kaya hindi tuloy niya maiwasang maaliw rito. Medyo gumilid lang ito ng konti at agad na nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ang alaga. His body is full of gauze and yet his tongue is lolling out as if he’s happy to see her back. She squatted unto him and patted his head while he nuzzled her hand that made her smile eventhough she’s worried on what happened to him. “Ang cute!” The girl squealed and she looks up at her. “Bakit siya puro sugat?” She shrugs. “Hindi ko rin alam basta nakita ko na lang siyang sugatan. Mukhang napaaway siya sa mga asong kalye, and I got your address through his collar.” Paliwanag nito. Grateful siyang ngumiti rito. “Thank you sana meron akong magawang kapalit sa ginawa mo sa kanya.” Mukha naming hindi ito ang klase ng tao na mapagsamantala sa kapwa. “Hindi na…” kapagkuwan ay tila nagisip ito. “On the other thought sige tatanggapin ko na lang.” “Anong kapalit ang gusto mo?” Ano kaya ang gusto nito?madali lang naman niya pagbigyan ang hiling nito dahil malaking tulong ang nagawa nito kay Knight “Can you treat me on Majestic Palace? I really looove there sweets!” she gushed. Hindi naman niya mapigilang matawa sa child-like manner nito. Para batang binigyan ito ng candy kung makaasta which is really amusing by the way. “Sure.” Pagsangayon niya the girl squealed—again— this time in delight. Then she composed herself bago may binigay na kapirasong papel sa kanya kasama ang isang paper bag. “Ipahid mo sa kanya ang mga gamot na `yan then bilhin mo na lang ang ilang anti-biotics na nakalagay sa reseta and follow the instructions there.”  Anito. Inalok niya itong pumasok pero ito na ang kusang tumaggi bawi na lang daw siya sa panlilibre dito. Nagpalitan na lang sila ng number pero bago ito tuluyang umalis ay nagawa niyang tanungin ang pangalan nito. “My name is Cristine.” Nakangiti nitong sagot bago ito hinatid palabas ni Kai. Habang si Jerome naman ay nagpaalam na sa kanya na papasok sa opisina.   SI KAI na ang nagpresintang maghatid sa dalaga na napagalaman nilang Cristine pala ang pangalan. He’s somewhat intrigue by that girl. She smells like no other human, napaka- unique ng scent nito at hindi niya mapin-point kung anong klaseng supernatural ito. Her scent is so pure that he can’t distinguish what she is. “Kuya…” untag nito sa kanya doon lang niya napansing nasa harap na pala sila ng gate. Agad niyang binuksan iyon gamit ang automatic remote control which remind him humanda talaga sa kanya si Marlon makabalik lang ito roon, tama ba namang iwanang nakatiwangwang ang gate nila? She tugs his sleeves kaya naman napilitan siyang tignan nito at hindi niya mapigilang matigilan nang magtama ang mga mata nila. The playfulness he saw in her eyes a while ago is gone napalitan ng kaseryosohan ang mga mata nito. “Hindi totoo ang sinabi ko kanina kay Rina.” Sinasabi na nga ba niya na kakaiba ito sa mga taong nakakasalamuha nila. “Ang totoo niyan niligtas ako ni Knight sa mga taong muntik nang kumidnap sa`kin kagabi.” “And why are you saying this to me?” tanong niya sa blankong ekspresyon. “May nakapagsabi sakin na importanteng maprotektahan niyo si Rina kasi may isang tao daw ang ililibing kayo ng buhay sakaling may masamang mangyari sa kanya.” This time ay napakunot-noo na siya. “Sinong nagsabi `non sa`yo?” She motioned her fingers in a shush gesture. “Secret.” Then she get out of the gate. “Basta tandaan niyo ang sinabi ko ha? Balaan niyo na rin si Rina habang maaga pa.” then she walks out leaping on the street like a kid. Sinundan na lang niya ito ng tingin pero kahit ganon ay tumatak sa isip niya na maaring nasa panganib si Rina kaya naman minabuti na niyang pumasok saka niya kinontak si Jeff.   KANINA pa patingin-tingin si Rina sa labas sa salamin na bintana ng Majestic Palace. Ngayon kasi ang usapan nila ni Cristine na magkita roon at dahil nagawa na niyang ipasa ang mga litrato niya kahapon kaya napaaga siya ng dating. Nag txt naman ito na papunta na kaya inaantay na lang niya ito. “Rina…” narinig niyang tawag sa kanya ni Reese habang nanghahaba ang nguso nito. “Oh… Problema mo?” nagtatakang tanong niya rito. “Ba’t ba kanina ka pa tingin ng tingin sa labas? `Ni hindi mo man lang ako kinakausap.” Parang batang tanong nito. “Hindi kita kinakausap kasi.” She motioned the crowding people inside the place. “Alam kong busy ka.” “Kahit na eh di sana tumulong ka man lang di ba?” “Eh, kasi nga po may kausap ako kaya hindi ako makatulong dito alangan naman kasi na mag trabaho ako dito ehh ililibre ko nga yung inaantay ko.” Paliwanang niya. “Okay? Sabi mo eh. ” kapagkuwan ay napasinghap ito. “Teka nga lang ililibre? Don’t tell me pinagpalit mo na si Veil?” nanlalaking matang tingin nito sa kanya. “Yes! Sa wakas!” napailing na lang siya sa sinabi nito kahit kailan yata talaga hindi na nito makakasundo pa si Ave. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD