Chapter Two

2218 Words
NAPAKUNOT ng noo si Rina na parang may nawawala na modelo sa mga kinukunan niya, last day na nila ngayon pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam kung saan napadpad si Mark.           Tuwing itinatanong naman niya sa staff ay wala naman daw na modelong nagngangalang Mark sa mga kinukunan niya. Kaya naman hindi niya maiwasang maghinala habang hinahanap niya ng tingin si Jeff.           Na kasalukuyang nakikipagharutan sa mga foreigner na mga babae di kalayuan sa shoot nila. Naningkit na lang ang mata niya nang mapansin niyang mabilis itong nag-iwas ng tingin nang magtama ang mga mata nila.           Sigurado siyang may kinalaman ito sa nawawalang lalaki na parang nabura pa ang existence sa mundo. Ano naman kaya ang gulo na kinasangkutan nito?           After some clicks and intructions that she gave on the models, at last. "It's a wrap everyone!" anunsyo niya at tila nakahinga na ng maluwag ang bawat isa at mabilis niyang inayos ang mga gamit dahil tulad din ng lahat pagod na at gusting-gusto na niyang humiga sa sarili niyang kama.           Kaya nang magawa niyang maiayos ang gamit niya ay mabilis niyang hinatak si Jeff mula sa kumpol ng mga babae na pinagkakaguluhan ito at saka kinausap.           “Now tell me what happened to Mark?” aniya           “Bakit mo pa hinahanap ang taong muntik ka nang gawing hapunan kagabi?”  sabi naman nito habang nakahalukipkip.           “What?”           “That bastard was a new blood at ikaw lang naman ang napili niyang kainin kagabi kaya idinispatsa ko na baka kung ano naman ang gawin sa`yo. Ayokong maghukay ng sarili kong libingan kapag nagkataon.”           She just rolled her eyes irritably alam naman niyang kay Ave ito natatakot oras na malaman na may masamang nangyari sa kanya. Ang gunggong na hanggang ngayon walang paramdam.           “Right! Tara na at uuwi na tayo kailangan ko pang mai-submit ang mga shots na nakuha ko sa kumontratang magazine sa`kin sa Maynila.”           “Aalis na agad? Hindi ba pwedeng dumito na muna ko?” angal agad nito saka bahagyang kumaway sa mga nagaantay pa rin ditong mga babae.           “Bahala ka sa buhay mo umandar na naman ang pagkahilig mo sa babae.” Aniya saka nilayasan na ito.           “Ikaw naman hindi na mabiro.” Habol nito sa kanya at saka sumenyas sa mga nag-aantay rito na aalis na.           Hindi na niyang nakita kung ano ang itsura ng mga ito, malamang sa hindi disappointed dahil nawala na ang kalandian ng mga ito na lalaki pero pake ba niya? Binalingan niya si Jeff at isa-isang pinadala rito ang mabibigat niyang gamit na nakalagay sa isang black box na pinaglalagayan niya ng equipments habang siya ay bitbit lang ang camera niya.           “Bakit ang bibigat naman ng pinadala mo sa`kin?” angal agad ni  Jeff eh kung tutuusin ay hindi naman talaga nito iniinda ang bigat dahil di hamak  na kaya nitong ibalibag iyon sa kung saan sa lakas nito pero syempre alam niyang hindi nito gagawin unless gusto nitong makatikim sa kanya. Malamang kasi nag-iinarte na naman ito.           “May angal ka?” aniya saka sinamaan ito ng tingin.            “Wala po Ma’am baka may gusto pa kayong ipadala sabihin niyo lang.” bawi agad nito sabay ngisi. Kahit kailan talaga napaka tino nitong kausap no wonder kaibigan talaga ito ni Ave pareho kasi silang wala sa hulog ika nga ‘Same feather flock together’.           Napailing na lang siya saka dumiretso na sa tinutuluyan nilang hotel gusto na niyang makauwi nang makapagpahinga na.                         “THIS is flight 108 domestic flight from Ilocos to Manila of AE Airways has landed. Please take off your seatbelt and be guided accordingly thank you.” Nakahinga na rin sa wakas ng maayos si Rina saka niya tinanggal ang earphone na nakapasak sa tenga niya bago may lumapit sa kanyang isang flight attendant at ito ang nagtanggal ng seat belt niya saka inabot sa plane compartment ang backpack niya. Iyon lang naman kasi ang madalas niyang dalhin tuwing naga-out of town siya ayaw kasi niya ng masyadong maraming bitbitin.  At syempre pa kayJeff niya ipapabitbit ang mga equipments niya dahil baka masira iyon kung ipinabaggage niya. Matapos niyang isukbit ang kanyang bagpack sa balikat ay saka naman niya binuksan ang Iphone niya na tadtad ng messages at missed calls mula kay Marlon. “Ano naghuhuramentado na naman ba si Marlon?” tanong sa kanya ni Jeff na tila dis-oriented o sadyang tamad lang na tumayo mula sa pagkakaupo nito. Halos tinulugan nga lang siya ng hudyo sa buong byahe at walang ginawa kung hindi makipag-flirt sa isang flight stewardess. “Obvious ba? Ikaw kaya pag-antayin ng dalawang oras tignan ko lang tatag mo. Bilisan mo na nga dyan nang makababa na tayo gusto kong dumeretso agad sa Prince Magazine nang maibigay ko na ang mga shots ko.” Tukoy niya sa magazine na kumontrata sa kanya bilang photographer. “Oo na ito na po tatayo na. Jeez… chill Rina masyado kang naii-stress papangit ka niyan.” Anito at kumilos na mula sa kinatatayuan. “Whatever.” She said irritably saka nagpatiuna na rito.  Pagkalabas pa lang niya ng arrival area hindi niya agad mapigilang mapangisi nang makita nga niya si Marlon. Nakakunot noo ito at animo anumang oras ay papasabugin na ang buong airport dahil sa mga tingin nito. Hindi tuloy niya masisi ang ibang mga tao kung bakit umiiwas ito sa dinaraanan ni Marlon. Baka kasi bigla na lang itong mambigwas sa itsura nito ngayon. “Ba’t ba ang tagal ng lintik na eroplano na yan mag-land?” naiiritang tanong nito sa kanya nang makalapit ito sa kanila. “Hello to you too.” Jeff said sarcastically habang bitbit ang mga gamit niya at bagahe nito. “Mind giving me a help?” Pero hindi ito pinansin ni Marlon at binalingan siya. “Tara na gusto ko nang umuwi, may dadaanan ka pa ba?” She saw how Jeff just snorted when his friend ignored him kahit kailan talaga wala na yatang pinagkatandaan ang dalawang `to pero hindi niya napigilan ang bahagyang tawa na kumawala sa kanya saka niya sinagot ng tanong ng binata. “Dadaan lang muna ko sa trabaho para maibigay ko `yung mga shots na nakuha ko saka diretso na nang uwi.” Tumango naman ito at saka nagpatiuna na palabas leaving Jeff with all the luggage that was now on a cart. Kung paano nito nakuha `yon? Hindi na niya problema `yon pero hindi niya maiwasan ang mapailing nang parang gusto  na nitong saksakin sa likod si Marlon na nauuna na sa kanila. Isang magarang Chevrolet Camaro ang nakaparada sa mismong labas ng arrival area at napabuntong hininga na lang siya nang makita `yon kahit kailan talaga ang hilig ng mga ito sa show off. Sa malamang at sa hindi ay may binayaran itong tao para hindi na mag-park pa sa parking lot na napakalayo kahit kailan talaga ang katamaran nito walang kupas. Pasalamat na lang siguro siya at pumayag itong sumundo sa kanila dahil mas gusto nito ang Ducati bike nito ang laging ginagamit kaysa ang mga kotse. Si Jeff kasi ang mahilig doon kaya nga hindi na siya nagtaka nang magpundar ang mga ito ng isang casa o talyer ng mga kotse ang mga ito sa pagkahilig sa mga makina at kasalukuyan ay maganda ang kita dahil sa ilang mayayaman na kliyente ng dalawang pasaway na `to.           “Pwede bang bilisan mo?” sabi ni Marlon na nasa driver’s seat habang si Jeff ay naglalagay ng bagahe sa likuran.           “Try mo kaya akong tulungan?” asar naman na balik ng huli.           “Malaki ka na kaya mo na `yan, Jeff.”           “Shut up.”           Napabuntong-hininga na lang ulit siya nang magsimula na naman magtalo ang dalawa. Sarap talagang ibitin patiwarik ng ang dalawa kahit kailan kaya naman mas minabuti na lang niyang pumasok sa passenger seat kaysa makonsumi siya sa mga ito at maya-maya lang ay pumasok na rin si Jeff sa tabi niya.           “At talagang ginawa mo akong driver.” Ang sama ng tingin ni Marlon sa kaibigan mula sa rear view mirror.           “Just drive, Slave.” Sabi naman ni Jeff na mukhang proud pa  sa kinahantungan ng pakikipagtalo nito halata naman kasi na  nanalo ito.           Pumalatak na lang ang huli saka binuksan ang makina ng kotse at sinimulan nang mag-drive.             “AS usual you are still the best on this field Rina.” Puri sa kanya ng editor in chief na si Eira ng Prince Magazine habang tinitignan nito ang mga shot na nakuha niya sa Ilocos.           “Thank you very much.” Nakangiti niyang sagot.           “And still humble as ever.” Anito saka umayos ng pagkakaupo mula sa swivel chair nito. “Expect your pay first thing tomorrow morning. Alam ko naman na pagod ka pa sa byahe so you may go.”           Nakangiting nagpaalam na siya rito at saka mabilis na bumaba sa building. Ilang taon na rin ang lumipas at nakapagtapos siya ng multimedia arts major in Photography at sa kasalukuyan ay isa siyang freelance photographer na kinokonrata ng iba’t-ibang magazine para kumuha ng mga litrato. At eto nga kakatapos lang niya ng isa ilang linggo muna siguro bago siya muling tumanggap ng trabaho dahil nitong mga nakaraang buwan ay tanggap lang siya ng tanggap nang walang pahinga. Sa parking lot nakita niyang prestong nakasandal si Marlon sa kotse nito habang si Jeff ay may pasak na headset sa tenga at nakikinig ng kung ano.           “Tara na.” aya niya kay Marlon na mabilis na tumalima.           Nang makasakay naman siya ay mabilis na tinanggal ni Jeff ang suot nitong head set at binalingan siya.           “Oo nga pala tumawag sa`kin si Veil kagabi.” Sabi nito           She rubbed her temple before giving him a blank look. “Ano ngayon?” “Wala naman muntik lang naman kasi mabasag ang eardrums ko sa kanya dahil sa kakasermon niya.” “Ang sabihin niyo nasa paranoid mode na naman siya kaya ganon.” She snorted. Nang biglang mawala si Ave pagkatapos ng debut niya ay hindi na muli pang nagpakita sa kanya ang binata `ni hindi nga man lang naalalang tumawag ng hudyo sa kanya ehh, maliban na lang siguro sa mga ipinapadala nitong regalo tuwing may espesyal na okasyon. Basta ang alam lang niya ay may kailangan itong asikasuhin base sa ibinigay nitong letter sa kanya bago ito umalis. Kung bakit naman kasi hindi lahat ng alaala niya ay nagbalik kaya hanggang ngayon ay nangangapa pa rin siya kung ano ang dahilan ng pag-alis ng binata. And he’s her freaking boyfriend for crying out loud!           “Ikaw talaga kahit kailan wala ka pa rin kupas kung si Veil ang pinag-uusapan.”           “Try mo kayang iwan nang walang pasabi tapos note lang ibigay sa`yo matutuwa ka?”           “Pasalamat ka nga nag-effort pa na sulatan ka eh kaming dalawa nga ni Marlon ni ha, ni ho walang pasabi bigla na lang parang bulang nawala `yon ehh… at sa txt lang niya sinabi ang dahilan sa`min kung bakit siya umalis oh `di ba saya lang.”           “At least kayo tinatawagan.”           “Oo para kami kuligligin tungkol sa`yo.”           “Ehh…bakit ayaw niyong babaan ng cellphone.”           “Ano? Para hindi kami sikatan ng araw bukas.”           “Buti nga sa`yo.” nakangisi niyang balik napailing na lang ito sa sinabi niya.           Pagkarating nila sa mansion ay agad silang sinalubong ni Kai at dinala ang mga bagahe niya habang mabilis naman nagpaalam ang dalawa na mauuna na galing ahh alis agad?           "Welcome home Lady Rina." sabi ni Kai na nasa tabi na pala niya mukhang nailagay na nito ang mga bag sa kwarto niya. Well nasanay na siya sa biglang pasulpot-sulpot nito sa kung san-saang lugar ng loob ng masyon nila. Sa kakayahan nitong magteleport ay hinahayaan na lang nila itong gamiting iy pero usually ginagamit nito iyon kapag wala ang mga magulang nila. Kasalukuyan kasing nasa vacation spree ang dalawa na regalo nila ni Jerome noong anniversary kaya naman nilulubos ng mga ito ang pahinga. Ang siste napunta sa kapatid niya ang lahat ng trabaho sa kompanya nila pero ano bang magagawa niya? Wala naman kasi siyang alam sa pagpapatakbo ng negosyo kaya bahala na si Jerome `don and speaking of her brother agad niya itong namataan sa loob ng mansion pero sa pagkakaalam niya ay dapat na nasa kompanya na ito sa ganoong oras.           "Hello Kai." bati niya rito at saka napatutok ang mga mata niya sa namomoblemang kapatid. "Jerome, bakit nandito ka pa? `dib a dapat nasa opisina ka na?” “It’s about Knight.” Tukoy nito sa alaga niyang aso na ibinigay sa kanya ni Ave noong debut niya. Puppy pa ito noon pero ngayon ay halos kaya na nitong dambahin ang isang tao and well lapain… But she didn’t raise him to be like that, more on protector part lang ito pwede ma-categorize. “What about him?” aniya habang hinayaan niyang kunin ni Kai ang mga gamit niya saka siya sinabihan nila Marlon na mauuna na para makapagpahinga. “Hindi naman alam kung papaano siya nakalabas ng bahay pero kaninang umaga napansin na lang namin na nawawala siya.” “Hayaan mo na `yon Jerome, Knight is a very clever dog kaya sigurado akong uuwi rin `yon. Ang mabuti pa pumasok ka na sa opisina dahil baka nangangarag na naman ang mga tauhan mo `don.” Aniya akma na sanang tataas na para makapagpalit nan g damit nang marinig niyang may kumakatok sa malaki nilang pintuan. Napakunot-noo siya dahil kung sina Marlon `yung bumalik eh `di sana ay pumasok na lang ito. Agad niyang binuksan ang pinto revealing a girl with a sweet smile and innocent face.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD