S q u a r e T h r e e ( S H E )

950 Words
"Nilagay ka na sa disgrasya, tinanggihan mo pa 'yung grasya." Ngumiti na lang ako nang malungkot kay Molina. Mabuti na lang, dumating sila at nakapagtanghalian rin ako sa wakas. Ang pinoproblema ko na lang ngayon, e, kung saan kukuha ng pambayad sa ospital. Ayoko namang i-asa lahat sa mga kapatid ko dahil lagi na lang nila akong sinasalo. At lahat naman ng naipon ko, nagastos ko na kay Luis. Shit, kapag minahal ka nga naman ng malas. "Sana kahit pambayad man lang dito pina-shoulder mo na sa kanila. Ayaw mo namang tanggapin tulong namin. Siguro naman hindi na masama na kahit 'yun na lang, ibigay na nila." Naiintindihan ko naman ang punto nitong si Salcedo. Ang kaso lang, hindi talaga kaya ng apog ko 'yung ganoon. Siguro, uutang na lang ako sa kanilang mga kapatid ko at babayaran ko na lang sila isa-isa kapag nagka-trabaho na ulit ako. At isa pa, nakita ko 'yung mukha no'ng impaktong niligtas ko na parang minamata 'yung pagkatao ko. Ang lakas ng pakiramdam kong hindi maganda naiisip niya sa 'kin. Kahit naman hindi niya ako tingnan ng may kung anong kahulugan, hindi pa rin ako tatanggap ng 'reward' dahil choice ko naman na iligtas 'yung tao at walang naghamon sa 'kin. Lahat kaming walo ay nandito sa ospital habang binabantayan nila ako. Ganito talaga kaming magkakapatid. May kani-kaniyang apelyido dahil nagkataon na may mga pangalan na kami bago mapunta sa foster homes. Nasanay kaming maging tawagan ang mga apelyido namin at sa tuwing may tatawagin sa amin sa unang pangalan ay nangangahulugang may hinanakit ang isa sa tinatawag niya. Ilang saglit mula pagkarating nila ay tinawag ako ng nurse para sabihing gusto raw akong makilala ng mga magulang ng lalaking niligtas ko. Pagbalik ko rito, unlimited sermon agad dahil sa ikatlong pagkakataon, tinanggihan ko na naman ang pabuyang iniaalok sa 'kin. Tumayo si Fernandez at umupo sa tabi ko. "Inoue, paano na 'yan? Na-miss mo na 'yung application mo sa Dorja Mortgages & Co. kahapon. Tapos malamang hindi ka pa okay in the next couple of weeks. Ano na plano natin?" "Ewan ko, Fernandez. Pwede ko pa naman sigurong pakiusapan 'yung Dorja dahil aksidente naman 'tong nangyaring 'to," mahinang sagot ko. "Si Pulgas kaya?" mariin na suhestiyon naman nitong si Salcedo. "Puta, nilalayo na nga natin 'tong bunso natin sa pulgas na 'yon, e. 'Wag na 'yon!" kontra naman ni Molina, ang pulis pang-kalawakan sa aming magkakapatid. Ang tinutukoy nilang pulgas ay none other than Luis. Nanahimik na lang ako dahil ayokong pag-awayan na naman namin ang pulgas na 'yon. Teka, tinawag ko ba siyang pulgas pati sa isip ko? "Ma'am, medicine po..." Natahimik ang mga kapatid kong nagta-talu-talo nang pumasok ang isang magandang nurse. Ano pa ba? Kani-kaniyang pa-pogi, siyempre. "What's your name?" magiliw na tanong ko. "Elaine po," nakangiting tugon naman niya habang inaayos ang dextrose ko. Hindi ko na rin maalala bakit na-dextrose pa ako. Pagkatapos niyang magturok ng kung ano sa dextrose ko, ngumiti ulit siya at tinanong kung may mga masakit ba sa 'kin o ano, the usual excercise. Sinabi ko rin na hindi ko kinain 'yung pagkain galing sa pantry nila dahil masyadong matabang sa panlasa ko. Naintindihan naman niya. "Ingat, Elaine. See you around!" pahabol ko bago pa siya makalabas. Sinuklian niya ako ng isang matamis na ngiti at kindat. "Hindi ko rin malaman sa kapatid natin na 'to kung malanding babae ba o malanding tomboy, e," sabi ni Guya pagkasara ng pinto. "Basta malandi. Period," sagot naman ni Alvarez. Nagsimula na ang ulan ng kantiyawan... "Kinakaibigan ko lang, mga ungas. Nainggit naman kayo bigla? Dapat talaga ganoon para hindi niya ako tuturukan ng lason," depensa ko. Maya-maya pa, lumabas akong mag-isa habang nagpapahinga nang magkakasama ang mga kapatid ko. Sinamantala kong natutulog sila dahil hindi nila ako pinapayagang lumabas. Bukas daw, makakaalis na ako at pwede na akong maglakwatsa. Sa araw na 'to, ang gusto nilang mangyari, magpahinga at magpagaling ako which I can only start doing by breathing in a nice, warm, fresh air. Ganoon siguro kalala ang lagay ko para magtagal ako dito ng three days. E, ano pa kaya 'yung lalaki? Pagsakay ko sa elevator no'ng pabalik na ako galing sa garden, may nakasabay akong isang babae na mukhang nanggaling sa isang mayamang pamilya sa porma pa lang ng pananamit. Bahagya siyang ngumiti nang magkasalubong ang aming mga paningin. Tahimik ang naging pag-akyat namin. Nang bumukas na ang elevetor, nagkasabay pa kami paglabas kaya ang resulta, na-gitgit kaming pareho. E, malay ko bang sa iisang floor pala ang punta namin. Pfft. Napa-aray ako sa sakit dahil naalog ako nang malakas at medyo nagalaw ang bandage ko sa ulo. "I'm sorry," nag-aalalang paumanhin niya habang tinitingnan ang ulo ko. "Are you going to be okay? Did I hurt you?" Napatitig lang ako sa kaniya habang ginagawa niya 'to. Nawalan na ata ako ng sasabihin pagkatapos kong maamoy ang mala-watermelon niyang pabango. Habang tinitingnan niya ang kabuuan ko, naglalakad na siya paatras para hindi namin i-hold ang lift. Hindi niya ata napansin at hindi rin siya napansin ng nagmamadaling nurse na may binabasang portfolio habang tumatakbo. Muntik na silang magkabungguan. Maliit kasi ang daan dito sa part na 'to. Buti na lang at ang inyong lingkod ay naagapan ito. Hinatak ko si babae palapit sa 'kin. Sakto naman 'yung sara ng elevator at dito kaming pareho napasandal. Ay, ako lang pala. Dahil sa 'kin siya nakaharap habang ako naman, naipit sa pagitan niya at ng elevator doors. "Oh, my goodness. My bad. I'm so sorry..." Paano nga ba ako maiinis, e, napakalambing ng boses niya? "Okay lang 'yon," na lang ang nasabi ko. Naglakad na ako pabalik sa kwarto ko at iniwan siyang speechless pagkatapos ko siyang kindatan at kurutin nang mahina sa pisngi. Ang cute kasi, e. Malamang kapag nakita na anamn ng mga kapatid ko 'to, kaniya-kaniya na namang pa-pogi ang mga loko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD