Mahigit isang buwan na akong walang trabaho. Isang malaking excuse ko sa sarili ko 'yung nangyaring aksidente sa train station ng Magsaysay. At dahil magaling na ang lahat ng sugat ko at nakakalakad naman ako nang maayos, oras na para sa job hunt.
Sa Taguig ang destinasyon ko ngayon. Buti na lang at naka-leave sa trabaho si Fernandez at nagawa niya akong ihatid hanggang sa Bonifacio Global City.
Pagpasok ko pa lang sa building nila, makikita mo nang may professional working environment ang kumpaniya na ito. Mula sa golden railings and yellow chandeliers, brown linings and glassed walls, hanggang sa elevators made with expensive-looking quality wood and mirrors inside. Pati ang mga tao dito, mukhang mamahalin.
Tinawag ako ng HR Head at inihatid sa conference room sa dulo ng isang mahabang hallway on the twenty-seventh floor. Walang tao pagpasok namin.
"The owner will be here any moment. Please wait."
Nagitla naman ako sa sinabi niya. Ito ang unang beses na mai-interview ako ng mismong owner and it just doesn't feel right. Kagaya ng sabi ko about a month ago, hindi ko na ide-declare 'yung previous job ko. Ayoko na kasing mausisa pa 'yung termination ko sa trabaho because it will be a huge factor for rejection.
For the past few days, I've not heard anything about Luis. Even from my friend and former colleague, Cyrene, naka-leave daw sa trabaho si Luis at wala rin naman akong paki kahit mag-punta pa siya sa Pluto. For all I care, kahit mamatay na siya, I will never shed a single tear again. Kagaya ng sinabi ko, nawala akong parang bula sa buhay niya at hindi ako magiging parang kabute na bigla na lang lilitaw.
Sa dami ng kailangan kong bayaran sa mga kapatid ko kahit 'di nila sinisingil, na-pursige ko ang sarili ko na magtiyagang mag-apply dito kahit malayo. Malaki kasi ang salary offer kaya hindi ka na lugi sa pamasahe kung sakali. Kesa naman bumalik ako sa... Basta. Kahit kailan, hindi ko gagawin 'yon kung ano man 'yon.
Nevermind.
Five minutes have passed and no one is still here. Masyadong malaki ang kwartong 'to para sa interview. Lalong bumibigat ang t***k ng puso ko habang tumatagal. 'Yung tinatawag na 'prolonging the agony' ay malamang pinapadama nila sa 'kin ngayon dahil hindi nga naman makatotohanan na in six years after I graduated, wala akong naging trabaho. Malamang, hindi sila naniniwala rito.
Handa na akong lumabas dahil sa totoo lang, mainipin akong tao at ayokong naghihintay nang matagal. Kahit pa sinabi ni Fernandez na ito ang leading mortgage company ngayon at alam ko rin naman na ito ang nasa tuktok ng listahan sa kumpitensiya ng Republic Mortgages, maghahanap na lang siguro ako ng ibang line of business na hindi magre-require masyado ng working experience. Nasabi ko na rin naman sa sarili kong huling mortgage company na 'to na a-apply-an ko. Pero...
Biglang bumukas ang glassed doors sa likod ko which I barely notice until he speaks, "Welcome to Fuentebella International Housing and Mortgages."
Napalingon ako sa kaniya habang naglalakad siya paikot sa glass table papunta sa harap ko. Seryoso siyang nakatitig sa portfolio na hawak niya at walang lingun-lingon na umupo. Medyo may kahabaan ang buhok niya pero malinis tingnan, kasing tangkad ni Molina, kasing kinis ni Salcedo, at kasing gwapo ata ni Chris Pine! Pucha, 'yung puso ko! He's wearing white long-sleeved shirt with cuffs folded up to his elbows matched with navy blue silk tie, tucked to a pair of black slacks. And I'm just assuming that he's wearing that perfectly shining pair of black leather shoes. At ang mas nakaka-pogi pa? 'Yung eyeglasses na bagay na bagay sa kaniya. Bihirang may bagayan ang ganito. Pero sa kaniya, akala mo perpekto.
"Ariel... Inoue?"