Agapito Agato’s Point of View Noong sinimulan ko ang panliligaw kay Mathet ay kumpiyansa akong sasagutin niya ako. Inisip ko kasi na kaya siya pumayag ay kahit papaano ay may pag-asa ako. Hindi ako nangulit sa kanya na sagutin na niya ako. Nagdadasal lang ako palagi sa Panginoon na makamtan ko na ang matamis niyang oo. Kaya ginawa ko ang lahat ng alam ko sa panliligaw. Ito ang unang beses na nanligaw ako. I even used the Google and Youtube para makakuha ng tips. I bought flowers every day, I even gave her stuff toys. Minsan niyaya ko din siyang mag-date at kumain sa labas. For the past three months ay ganoon ang takbo ng buhay ko kasama kay Mathet. Napapansin ko sa mga nakalipas na araw ay parang palagi siyang luting. Noong ngumiti siya ay nakita ko kung papaano hindi ngumiti ang mga