Two years in the future… “Come sta mia moglie?” (How is my wife?) tanong ng italyanong si Mansueto Romano. Tumingin sa kanya ang doktor na lalaki at kita niya ang paghugot nito ng hininga. Kinakabahan siya. Alam niyang hindi siya handa sa sasabihin ng doktor pero kailangan niyang malaman. Nanlalamig ang kanyang mga palad pero kailangan niyang tatagan para sa kanyang mahal na asawa. “Voglio essere onesto con te,” (I want to be honest with you) sabi ng doktor sa kanya. Muling tiningnan ng doktor ang clipboard na hawak nito at tinitigan siyang mabuti. “Le cellule cancerose si sono diffuse in altre parti del suo corpo.” (The cancer cells spread to the other parts of her body.) Napahugot siya ng malalim na hininga. Ito na ang kinatatakutan niya. Dumating na ang oras na kinatatakutan niya.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books