Special Chapter Four: Red Chrysanthemum

1312 Words

Sixteen years in the future… “Hoy, kanina ka pa nakatitig sa kanya. Wala na, tunaw na si Olivia,” sabi sa kanya ni Alfred. Agad naman siyang umiwas ng tingin at ibinalik ang atensyon sa pagguhit. ‘Anong tinititigan. Hindi ko siya tinititigan,” sabi niya at hinampas naman siya ng cartolina sa balikat. “Aray!” reklamo niya. “Hindi mo ako maloloko, Julian. Alam ko namang may crush ka kay Olivia,” sabi nito. “Wala! Guni-guni mo lang ‘yan,” sagot niya at tinawanan lang siya ng kaibigan. Siya si Julian Perucho. Labing-anim na taong gulang at nag-aaral sa Italy bilang isang high school student. Isa siyang half Filipino-half Italian. Pinay ang kanyang ina at Italian ang ama niya na kahit kailan ay hindi niya pa nakikilala. Aaminin niya, mula nang mag-transfer sa kanilang klase ang dalagang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD