Hanna Rolueta’s Point of View Pagkabili ko ng pregnancy test kit ay agad na akong dumeretso sa unit ko. Siguro nga in denial pa ako dahil hindi kaagad ako nag-take ng test. Dala ma din ng pagod ay agad akong nakatulog. Napapitlag ako sa biglang pagtunog ng alarm ko. Hingal na hingal ako na para bang napakalayo ng tinakbo ko. Bakit ba paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang araw na iyon. Ang araw kung kailan ako iniwang mag-isa ng taong iyon. “F*ck!” sigaw ko at tuluyan ng bumangon. Papasok na sana ako sa banyo nang makita ko ang binili kong pregnancy test kits. Nagdesisyon na akong gamitin ito. Pakiramdam ko ay ito na ang pinakamatagal na dalawang minuto ng buhay ko. “Kinakabahan ako,” I said to myself. Nang matapos ang dalawang minuto ay sinilip ko tatlong test kits at iisa lang