Hanna Rolueta’s Point of View Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Nasilaw pa nga ako dahil sa sinag ng araw na lumulusot mula sa bintana ko. Dahan-dahan akong bumangod at dama ko ang sakit ng katawan ko. Parang palagi ng masakit ang katawan ko ah. Lumingon ako sa tabi ko pero wala na akong Agang nakita. Tumayo na ako at nagsuot lamang ng bath rob at lumabas na ng kwarto. Tahimik ang paligid. Wala akong naririnig na mga kalansing ng kawali o sizzling sounds ng mga ginigisa. Walang ibang tao dito maliban sa akin. Bumuntong hininga ako. Mukhang umalis na siya ng hindi ko namamalayan. Napatingin ako sa wall clock at nakitang alas otso na ng umaga. I have one hour before I start my work, pero sa totoo lang tinatamad akong magtrabaho ngayon. Patang-pata ang katawan ko at wala akong lakas