Hanna Rolueta’s Point of View Sa tatlong araw na burol ni Daddy ay hindi ko na nagawa pang lumapit sa kanya. Sa tuwing lalapit kasi ako ay nagwawala si Lira at galit na galit si mommy. Kaya ang ginawa ko na lang ay nasa labas lang ako ng arrangement room. Nagpapasalamat ako dahil nandiyan si Mr. Legarde. Hindi niya ako iniwan. Palagi niya akong sinasamahan at kinakausap sa labas ng arrangement room. Minsan naman si Uncle tony pero madalas talaga si Mr. Legarde. Ngayon ang huling gabi ni Daddy at bukas ay ihahatid na siya sa kanyang huling hantungan. Nagkakaroon na ng eulogy sa loob pero si Mommy hindi niya pa rin ako hinahayaang makapasok sa loob kahit masilip man lang si Daddy. Marami ang mga dumalo sa huling gabi ni Daddy. Ilang kamag-anak, mga kaibigan, at investors sa company. Na