bc

Darkness before Dawn (Scarce Series #19)

book_age16+
8.0K
FOLLOW
40.3K
READ
independent
self-improved
drama
bxg
heavy
female lead
small town
slice of life
weak to strong
Neglected
like
intro-logo
Blurb

Sa bawat dilim, may liwanag na darating.

Isa si Jessa sa mga taong pinagkaitan ng suwerte ng buhay. Ang gulong na kinaroroonan niya ay palagi lamang nasa ilalim at hindi man lang iyon umiikot. Hindi naranasan ni Jessa ang mahalin ng sariling ama simula noong namatay ang kaniyang ina at nag-asawa rin ito ng iba. Kaya naman naiwan na lamang si Jessa at ang kaniyang mga kapatid na naghahanap ng kalinga ng isang magulang. Naging magulo ang buhay ni Jessa. Pakiramdam niya ay wala siyang puwang sa mundong kinabibilangan niya. Hanggang sa tumungtong siya sa pagiging dalaga ay wala pa ring pinagbago ang estado ng kaniyang buhay.

Gustong-gusto niya nang sumuko, ngunit hindi iyon ang inilaan para sa kaniya. Matagal man dumating ang liwanag, siguradong darating iyon. Ngunit gaano katatag si Jessa upang malagpasan ang mga pagsubok na ibinabato sa kaniya? Hanggang kailan niya hihintayin ang liwanag?

Date Posted: October 17, 2021

Date Started: April 01, 2022

chap-preview
Free preview
Simula
“Jessa, siya na ang magiging Inay mo ngayon. Okay lang ba iyon sa’yo?” Ngumiti si tatay sa akin na ikinagulat ko. Limang taong gulang ako noon. Nang makita ko ang ngiting iyon ni papa ay sobra ang naging gulat ko dahil hindi naman siya ngumingiti nang ganoon. Iyong para bang sobrang saya niya at ngayon lang siya naging ganoon kasaya muli. Simula nang mamatay ang aking ina isang taon na ang nakalilipas, hindi ko kailanman nakita ang ganoong ngiti sa mga labi ni tatay. Ganoon niya ba talaga kamahal ang bago niyang asawa? Tumango ako sa tanong ni tatay dahil alam kong kahit umayaw man ako, wala naman akong magagawa. Siya ang ama ng tahanan at siya ang masusunod. Ang gusto ko lang sana ay huwag niya kaming pababayaan ng mga kapatid ko kahit na may bago na siyang asawa. “Hello, Jessa,” nakangiting bati ni tita Carol sa akin. Mukha naman siyang mabait. Iyon ang una kong impresyon sa kaniya. Malaki kasi ang ngiti niya sa akin at ang lambot ng kaniyang mga palad na humahaplos sa aking maliit at payat na braso. Sa tingin ko ay magkasing payat lang kami ni tita Carol. Mas maputi siya kumpara sa akin dahil morena ang aking balat. “Tita Carol, wala pa po ba si Tatay?” tanong ko sa bagong asawa ni papa isang gabi na wala pa rin siya. Nasa tabi ko ang kapatid kong si Adriel na hinahawakan ang maliit niyang tiyan na halos maririnig na ang pagtunog noon sa loob. Alam kong gutom na ang kapatid ko dahil hindi pa kami kumakain ng hapunan. “Naghahanap ng mapalalamon sa inyo.” Umirap si tita Carol sa akin. “Ang dami-dami niyo kasing magkakapatid, tapos lahat pa kayo ay nandito sa poder namin!” Iyon ang unang beses na nalaman ko ang tunay na ugali ng bagong asawa ni tatay. Dalawang taon pa ang lumipas bago lumabas ang ganoong ugali ni tita Carol. Iyong inakala kong mabait, mahinhin, at maalagang asawa ni tatay ay hindi pala totoo. Dahil ngayong wala si tatay dito sa bahay, siya namang paglabas ng tunay na ugali ng bago niyang asawa. “W-Wala po ba tayong pagkain?” tanong ko pa habang pabalik-balik ang tingin kay Adriel na nakangiwi na. Napaigtad ako nang sumigaw si tita Carol. “MUKHA BANG MAY PAGKAIN DITO?! HINDI MO BA NARINIG ANG SINABI KO NA NAGHAHANAP NG MAPALALAMON SA INYO ANG TATAY MO!?” Nanginig ang aking mga labi. Gustong lumabas ng mga luha sa aking mga mata ngunit pinigilan ko iyon nang marinig ang mumunting hikbi ni Adriel sa aking tabi. Hindi ako puwedeng umiyak. Kailangan kong magpakatatag para kay Adriel dahil ako lang ang palagi niyang kasama. Wala kaming ibang maaasahan. Ang dalawa ko pang kapatid na sina kuya Joseph at ate Essa ay wala namang pakialam sa amin. “Tabi nga!” patagilid na sinipa ni tita Carol ang kanang binti ni Adriel nang dumaan siya para makaakyat sa loob ng kuwarto na gawa sa kahoy. Sinundan ng mga mata ko ang naglalakad na pigura ni tita Carol. Hindi niya dapat iyon ginawa kay Adriel! Medyo malakas din ang ginawa niyang pagsipa sa binti ng kapatid ko. “A-Adriel, masakit ba ang binti mo?” tanong ko at agad na lumipat sa kabilang puwesto. Umiling ang kapatid ko sa akin. “Hindi po, Ate. Pero gutom na po ako...” Tumingin siya sa kaniyang tiyan na kanina niya pa hinihimas. Bumuntong hininga ako. Sa unang pagkakataon din, naranasan ko ang manghingi ng ulam sa kapit bahay namin. Noong nabubuhay pa ang tunay kong ina, alagang-alaga kami at hindi kami nauubusan ng pagkain. Ngunit ngayon, wala talagang kahit anong pagkain sa lamesa. “Ito oh, Jessa. Sabihin mo kay Adriel kumain nang marami, ha?” nakangiting sambit ng kapit bahay namin na hindi ko alam ang buong pangalan. Hindi ko kasi maibigkas ang pangalan niya ngunit tinatawag siyang ate Sun ng mga tao rito. “S-Salamat po, Ate Sun. P-Pasensya na rin po.” Yumuko ako upang magpakita ng paggalang. Bumalik ako sa bahay namin na may malaking ngiti hawak ang plastic na may lamang kanin at ulam na para kay Adriel. Siguradong magugustuhan niya ang pritong itlog at hotdog na ibinigay ni ate Sun. “Adriel!” tawag ko sa aking kapatid. Nang lumingon siya sa akin, itinaas ko ang supot na dala ko. Nakita ko ang pagningning ng mga mata niya. Mas lalo lamang lumaki ang ngiti ko at naramdaman na parang nababasa na ang gilid ng aking mga mata. Agad kong pinunasan iyon at naglakad na papunta sa lamesa. Hinahanda ko ang kakainin ng kapatid ko nang lumabas sa kuwarto si tita Carol. Nilingon ko siya at nakitang nasa pinggan na hawak ko nakatuon ang kaniyang mga mata. “Saan galing ‘yan?” Natutuwa ang boses ni tita Carol nang tanungin niya iyon. “Kay Ate Sun po…” Pinanood ko ang paglapit niya sa lamesa at ang pag-upo niya sa upuan. Pinagsalikop niya ang kaniyang mga kamay at mas lalo pang ngumiti. Kumunot naman ang aking noo. Ano ang ginagawa niya? “Tamang-tama, gutom na ako. Akin na ‘yang pinggan.” “P-Po?” Umiling ako kaagad. “K-Kay A-Adriel po ito…” Nagulat na lamang ako nang malakas na hilahin ni tita Carol ang pinggan papalapit sa kaniya. May mga butil ng kanin na natapon sa mesa dahil sa ginawa niya. “Akin na ‘to, maghanap kayo ng ibang makakain.” Masamang tingin ang ipinukol sa akin ni tita Carol. Hindi niya na ako pinansin pagkatapos noon at nagsimula ng kumain. “P-Pero, p-para po iyan kay -” naputol ang sinasabi ko nang itutok sa akin ni tita Carol ang tinidor na hawak niya. “Gusto mo bang tusukin ko ang mga mata mo nito?” pinanlakihan niya rin ako ng mga mata habang nakatutok pa rin ang tinidor sa gawi ko. Agad akong umiling. Ayaw ko. Siguradong mabubulag ako kapag talagang ginawa ni tita Carol iyon. Nanginig ang aking mga kamay at kaagad ko iyong inalis sa lamesa. Baka iyon naman ang tusukin ni tita Carol. “Oh, kung ayaw mo, umalis ka sa harapan ko! Isama mo ang kapatid mo at huwag na huwag kayong magpapakita sa akin hangga’t hindi pa ako natatapos kumain.” Isa-isang tumulo ang mga luha ko habang binubuhat si Adriel papunta sa labas ng bahay. Wala akong magawa kung hindi ang sundin ang gusto ni tita Carol. Mayroon siyang hawak na isang matalim na bagay. Paano kung gawin niya talaga iyong sinabi niya sa akin kanina? Baka mas lalo lang matakot si Adriel at kung mapaaano pa siya. Ayaw kong madamay ang kapatid ko. Habang tumutulo ang mga luha na kanina ko pa pinupunasan ay umupo kami ni Adriel sa malamig na gutter. Madilim na ang paligid ngunit maliwanag naman ang langit dahil sa bilog na buwan at mga bituin na nakapalibot doon. Ang lamig na namumutawi sa aking balat ay hindi ko inalintana at niyakap nang mahigpit ang kapatid ko. “I-Ito oh, A-Adriel,” bulong ko at ibinigay ang hawak kong supot, iyong supot ng pagkain na binigay sa akin ni ate Sun. May natira pa kasi iyon na kaunting kanin at pritong itlog. Hindi ko nailagay lahat doon sa pinggan na kinuha ni tita Carol kanina. “Kumain ka…” Agad na sinunggaban ni Adriel ang supot. Habang pinanonood siya na kainin iyon gamit mismo ang kaniyang bibig ay ramdam na ramdam ko ang gutom niyang tiyan. Mas lalong bumuhos ang mga luha ko at hindi ko na napigilan iyon. Tumalikod na lamang ako sa kaniyang puwesto upang hindi niya makita ang pag-iyak ko. “Ate Jessa, hati po tayo?” Suminghot ako at pinigilan ang paghikbi bago humarap muli kay Adriel. Ang inosente niyang mga mata ay nakatitig sa akin at nakalahad na ang kaniyang mga palad na may nakapatong na supot. Tinignan ko lamang iyon at umiling. “Sa iyo ‘yan.” Ngumiti ako. “Sige na, ubusin mo lahat. Para sa’yo ‘yan,” sagot ko sa kaniyang sinabi at hinaplos ang kaniyang buhok. Nararamdaman ko na ang pagtunog ng aking tiyan ngunit hindi ko ininda iyon. Iinom na lang ako ng tubig mamaya pagpasok sa loob ng bahay. Wala ang mga nakatatanda naming kapatid at hindi ko alam kung nasaan sila kaya kaming dalawa lamang ni Adriel ang narito. Ako lang din ang palaging naiiwan para mag-alaga sa bunso naming kapatid kaya ako ang pinaka-close sa kaniya. Sa murang edad, namulat ako sa katotohanang wala akong masasandalan kung hindi ang sarili ko lamang. Walang tutulong sa akin kapag nadapa ako. Kaya pala kapag nadadapa ang isang bata, iyong mga magulang ay pinatatayo silang mag-isa, dahil ganoon ang mangyayari sa ating pagtanda. Namulat din ako sa katotohanang mas mahal ni tatay ang bago niyang asawa kaysa sa aming mga anak niya. Ang bahay namin na silang dalawa ni nanay ang nagpagawa ay may bago ng ilaw ng tahanan. Ngunit ang ilaw ng tahanan na iyon ay hindi naging ilaw sa akin, sa aming magkakapatid. Ang bahay namin ay gawa lamang sa kawayan. Maliit lang din iyon ngunit kailanman ay hindi nasikipan si nanay kahit pa anim kaming nakatira. May isang maliit na kuwarto at maliit ding cr. Ang sala at ang kainan ay parehas lang. Ang lutuan naman ay nasa labas. Sa maliit na kuwarto ay anim kaming natutulog. Naalala ko pa noon, sobrang saya namin at para bang walang iniindang problema. Palagi lamang nakangiti si tatay at mararamdaman ang pagmamahal niya sa aming magkakapatid at pati na rin kay nanay. Ngunit nang namatay si nanay ay nagbago na ang lahat. Hindi na ngumingiti si tatay at palagi siyang wala sa bahay. Tapos ay may ipinakilala na lamang siyang bagong ina sa amin. Ngunit alam ko, hindi napapalitan ang tunay na ina. Kailanman ay hindi mapapantayan ni tita Carol ang inay ko. “Tatay!” Bumaling ako sa tinitignan ni Adriel at nakita si tatay na naglalakad at malapit na sa tapat ng bahay. Ang suot ni tatay na kulay blue na t-shirt ay gusot-gusot na ikinakunot ng aking noo. Nang nag-angat ako ng tingin sa kaniyang mukha ay nakita ko ang pumipikit pikit na niyang mga mata at ang pulang-pula niyang mukha. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa gutter at naglakad palapit kay tatay. Naamoy ko kaagad ang matapang na amoy ng alak hindi pa man ako nakalapit nang tuluyan sa kaniya. Napangiwi ako at mabilis na nagmano. “Magandang gabi po, Itay,” sambit ko. Hindi ako pinansin ni tatay at dire-diretsong pumasok sa loob ng bahay. Sinenyasan ko naman si Adriel na sumunod na sa akin papasok sa loob. “May pagkain na ba?” tanong ni tatay kay tita Carol. Ang matapang na mukha ni tita Carol kanina ay bigla na lamang huminhin. Matamis din siyang ngumiti kay tatay at lumapit dito para ipalibot ang kaniyang mga braso sa leeg ni tatay. “Wala pang pagkain, eh. Hindi pa nga ako kumakain.” Ngumuso pa si tita Carol habang malamyos na tinitignan si tatay. “May dala ka bang pagkain?” Nagsalubong ang aking mga kilay sa narinig. Anong hindi pa siya kumakain? Kinuha niya pa nga ang pagkain na para dapat kay Adriel! “Tatay -" “Oh, sige. May dala akong pagkain dito. Kumain na tayo,” malambing na sambit ni tatay. Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko dahil nagsalita na siya agad. Nang tumingin sa akin si tita Carol ay nawala ang malamyos niyang mga tingin at napalitan iyon ng panlilisik. “Tapos ng kumain ang mga anak mo. Tayong dalawa na lang ang kumain,” sambit ni tita Carol pagkatapos ng matalim niyang pagtitig sa akin. Magsasalita sana ako ngunit hinila niya si papa papunta sa may lamesa. Hindi na tuloy ako makabuwelo sa pagsabi dahil ayaw ko nang mapanlisikan ng mga mata ni tita Carol. “Ate, ang sarap po ng kinakain nila Tatay,” sambit ni Adriel sa aking gilid. Narito lamang kami sa may sahig, nakaupo habang hinihintay na matapos na kumain ang tatay namin at ang bago niyang asawa. “Mamaya, kukuha si Ate kapag may natira,” bulong ko sa aking kapatid.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE OBSESSION OF TITO VLADIMIR [SPG]

read
160.3K
bc

Behind The Billionaire's Contract

read
28.7K
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
70.9K
bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
50.9K
bc

Lustful Nights with my Step-Brother

read
30.4K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

Luhod, Kagawad (SPG)

read
101.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook