Rise of Dark Arts

3919 Words

Castor “Anong alam mo tungkol sa Knight Sorcerer?” tanong ko kay Alaister. Nakatitig pa rin siya sa akin. “Marami akong alam tungkol sa kanya. Pero paanong….” Natigilan si Alaister, pagkatapos ay nilapitan ako at hinawakan ako sa leeg. Isang malaking bola ng liwanag ang unti-unting lumalabas sa kanyang palad. “Papatayin mo ba ako?” tanong ko “Oo tatapusin na kita ngayon pa lang…” sabi niya “Tatapusin mo ako gayong alam mo naman na wala akong idea sa nangyayari sa akin? Traydor ka rin pala kagaya ng nagmamay ari ng katawan na kinuha mo.” Sabi ko naman Natigilan siya sa sinabi ko. Insulto iyon sa isang Spirit Guardian. Binitiwan niya ako at hinayaang bumagsak sa lupa. Napansin kong nagpipigil siya ng galit. “Wala ka ba talagang idea kung anong nangyayari sayo?” kunot noo niyang sabi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD