Alaister Hindi ko inaasahan na makikita ko si Oceane sa gubat, nakaupo ito sa malaking bato sa gitna ng ilog. Mukhang seryoso siya at malalim ang iniisip. Ang kanyang aura ay medyo magulo, marahil sa kanyang iniisip. “Anong kailangan mo?” tanong niya sa akin na hindi man lang tumitingin. Napangiti ako, itinago ko ang aura ko katulad ng palagi kong ginagawa ngunit naramdaman pa rin niya. Totoo ngang nagbago siya matapos nila magkita ng Dark Lord. “Hindi ko na kailangan ang turo mo, Alaister.” Sabi niya sabay lingon sa akin “Talaga? Mabuti kung ganoon.” Sabi ko “Anong kailangan mo sa akin?” tanong niya muli “Nabalitaan ko sa Old Elf ang nangyari sa inyo ni Castor….” Sabi ko Nagsmirked siya. “Masyado kayong nag aalala, kaya ko na ang sarili ko. Isa pa hindi pa ako tuluyang nasasakop n