Oceane Hinawakan ako sa kamay ng nilalang na iyon. Napatingin ako sa kanya, hindi ko maintindihan. ‘May sinasabi ba siya?’ Gamit ang palad niya na kakaiba, dahil sa kakaiba na rin niyang itsura. Ang nagkalat na berdeng aura sa paligid ay nagsimulang umikot sa kanyang palad. Parang may sariling buhay ang mga ito at gumawa ng hugis bilog. Sa gitna noon ay may kakaibang liwanag. Isang tinig ang aking narinig, boses iyon ni Alaister. Nang marinig ko iyon, para akong bata na umiiyak habang humihingi ng tawad sa kanya. Hinawakan ng nilalang ang aking palad at doon ay nakaramdam ako ng lamig sa buo kong katawan. Ilang sandali pa, naging iba na ang aking pakiramdam. Napilitan akong tumayo, dumadaloy na sa aking ugat ang kapangyarihan ng Earth Lion Spirit. Naririnig ko ang usapan ng mga hayop