Zaiden Naglalakad ako sa gubat habang hawak ang aking ulo. Ito na ang gabing ayaw kong mangyari. “May problema ka ba?” Napalingon ako sa kanang bahagi ng gubat. Nakatayo sa puno si Oceane habang nakatitig sa akin. Naglakad siyang papalapit sa akin, ako naman ay hindi gumagalaw. Sa pag-atake niya sa Old Elf sigurado akong hindi siya si Oceane. Kaya naman inihanda ko ang wand ko. Nagsmirk siya. “Dati pag nakikita mo ako excited ka, ngayon…” hinawakan niya ang dulo ng wand ko. “Ako na ang target nito.” “Dahil hindi naman ikaw ang babaeng minahal ko noon, ang babaeng kinabaliwan ko mula noon una kong makita.” Sabi ko “Paano mo nasabi? Dahil sa aura ko?” tanong niya “Dahil nagawa mong patayin ang Old Elf, ang ilang beses na nagligtas ng buhay mo ay basta basta mo lamang pinatay.”