Zaiden Isang liwanag ang huli kong nakita mula sa kinatatayuan ni Baragor at Oceane. Halos di ko maidilat ang aking mata. Ilang sandali pa bumalik na dati ang liwanag na nagmumula sa buwan. Isang malakas na pwersa ang nagpalipad sa amin ni Ulrika sa ere. Tumama sa puno si Ulrika at ako naman ay tumama sa kanya. Mula sa di kalayuan, nakita namin si Castor halos nagmamadali siya at madapa pa papalapit sa kinaroroonan ni Oceane. ‘Saan siya nanggaling? Bakit di man lang niya tinulungan si Oceane?’ “Kanina pa siya nandyan.” Sabi ni Ulrika Napalingon ako kay Ulrika, Nakapulupot pa rin sa kanyang katawan ang makapal at mahaba niyang buntot para matakpan ang kanyang maseselan na bagi ng katawan. Hinubad ko ang robe ko at isinuot ito kay Ulrika. Napansin ko rin ang pagbagsak ni Castor di k