Mercedes NANG magising ako, naramdaman ko na hindi ako nakaupo sa isang silya kung hindi ay nakahiga sa malambot na kama. Napabalikwas ako at napagtanto na nakahiga nga ako sa kama! Akala ko kanina ay nananaginip lang ako. Tiningnan ko ang katabi ko at iniisip na makikita ko roon si Kirill pero wala na siya. Napatingin ako sa pinto ng banyo at naisip na baka naroroon siya. Tumayo ako at dali-daling lumapit sa pinto ng banyo. Inilapit ko ang aking tainga sa pinto at pinakinggan kung bukas ang shower. May narinig nga akong ingay kahit sobrang hina nito. Nakahinga ako nang maluwag nang mapagtanto na naroroon si Kirill. Mabilis akong umalis sa tapat ng pinto. Ayoko namang maabutan ako ni Kirill doon. Baka mamaya ay kung ano pang isipin ng lalaki. Naupo ako sa kama at nagbukas ng message