Mercedes DADALHIN na sana namin si Kirill sa ospital pero mabilis akong pinigilan ng lalaking nakahanap sa akin kanina. Actually, hindi pa nagsi-sink in sa akin ang mga nangyari kanina. Ang bilis ng mga kaganapan. Ang huling naaalala ko ay umiiyak ako dahil nag-aalala ako kay Kirill na hinahayaang mabugbog siya para sa kaligtasan ko. And then, after that I heard noises and gunshots. May pumasok na mga armadong lalaki sa loob ng silid na kinaroroonan namin at pagkatapos pinagbabaril ang mga lalaki. Si Mitchell ay dinala nila kung saan. Nagpakilala ang lalaki sa akin bilang Kazimir. Tauhan daw siya ni Kirill at kahit ayokong magtiwala sa kanya, ginawa ko. Ngayon nga ay sinasabi ko sa kanila na pumunta kaagad kami ng ospital. “No hospitals,” sabi ni Kazimir. “Let’s go to Kirill’s house.