Mercedes “AYOKO!” Pinanlilisikan ko ng mata si Kirill. Kanina pa ako nakikipagtalo na baguhin namin ang pagdadala ko ng anak niya. Hindi ako magpapabuntis sa kanya! “You just need to bear my child. Hindi mo kailangan na magkaroon ng obligasyon. After you conceive him, I will free you without any other conditions.” I am heaving. Para akong hindi makahinga. Seryoso ba talaga siya? Pero mukhang hindi nga marunong magbiro ang gago. Natahimik ako. Hindi ko na alam ang sasabihin ko sa kanya. Nagbubuhol-buhol ang mga nerves ko sa utak at parang sumasabog ang mga neurons ko dahil dito kay Kirill. Huminga ako nang malalim. Kailangan kong kumalma. I’ve been way distracted when it comes to him. Napapansin ko na hindi ako nakakapag-isip nang maayos kapag si Kirill ang kaharap ko and I need to st