Mercedes HINDI ko alam kung paano ako nakatulog kagabi. Sa lakas ng kabog ng dibdib ko ay akala ko, dilat ako hanggang umaga. Yakap-yakap pa rin ako ni Kirill nang magising ako. Hindi tuloy ako makagalaw nang maayos. Surprisingly, nakatulog ako nang maayos kahit na akala ko ay hindi ako komportable. Nakatulog ako nang mahimbing kung ikukumpara mo sa ibang tulog ko. No nightmares, no panic attacks. Was it because of Kirill? I hate to admit it, but it looks like that. Hirap talaga akong matulog. May pagkakataon nga na ayoko nang matulog dahil sa takot kong managinip nang masama o hindi kaya ay magkaroon ng sleep paralysis. Good thing, hindi na ako nagkakaroon ng sleep paralysis. Iyon nga lang, lumalala ang mga masasamang panaginip. Mga panaginip na nagpapaalala sa akin ng mga hindi m