Calista HINDI KO na nakita ulit si Rage matapos ang pakikipag-break ko sa kanya. Noong Noche Buena ay hindi nagpakita ito. Hindi ko alam kung makakahinga ba ako nang maluwag o hindi. Madalas din na wala si Rage sa bahay, hindi dahil maraming trabaho ang ibinibigay sa kanya ng ama, kung hindi dahil umaalis siya. Ang alam ko ay maging si Tito Romeo, hinahanap minsan si Rage. Madalas kasama ng mga kaibigan niya si Rage at may pagkakataon pa na hindi ito umuuwi. Alam ko dahil parati kong hinihintay na marinig ang pagbukas ng pinto ng kuwarto niya o makita ang ilaw mula sa kanyang kotse. May mga gabi na hindi ko iyon naririnig o nakikita. Mas maganda na nga siguro ito. Sinabi ni Rage na hindi pa kami tapos mag-usap, pero sa tingin ko tapos na nga ang lahat sa akin. Kaya laking gulat ko na