Calista TUMIGIL na rin naman ako sa pag-iyak. Kasama na ako ni Ced. The moment na tinawagan ko siya at sinabi na sunduin ako, mabilis niya akong pinuntahan. “Iuuwi na ba kita?” tanong niya sa akin. Ang tono ng boses niya ay tila nangangapa. Siguro ay hindi niya rin alam kung paano ako kakausapin sa estado na mayroon ako ngayon. Sandali akong natahimik at inisip kung anong gusto kong gawin. Obviously, ayokong umuwi sa bahay. “Pwede ba tayong pumunta na lang sa party na pinuntahan mo? Gusto kong makalimutan ang mga iniisip ko.” Namumugto pa rin ang mga mata ko pero makakayanan naman siguro itong takpan ng makeup. Tumango si Ced sa akin at mukhang doon na kami papunta. Paskong-pasko ay mabigat ang loob ko. Ang araw na dapat ay masaya ang lahat, naandito ako at nagmumukmok. Nakarating k