THIS IS WRONG.
Ang sitwasyong kinalalagyan ko ay isang malaking pagkakamali. I shouldn’t be in this situation. Dapat una pa lang, pinigilan ko na. Pero anong magagawa ko? Hindi ko kinayang patigilin at ngayon ay ako ang nagdurusa.
This is my karma.
“Cali, male-late ka na sa school.”
Nawala lamang ako sa aking pagkakatulala nang tawagin ako ni Mama. Tumayo ako at kinuha ang bag ko bago lumabas ng kuwarto ko. Kinakabahan ako at namamawis ang aking kamay.
Naglakad ako patungo sa engrandeng hagdanan ng bahay. Napatigil pa ako sa isang pinto at tiningnan iyon. I was wishing…hoping that he will open the door and let me see him. But then again, I should stop fantasizing about him. Everything about us, it’s all wrong.
Nang makarating ako sa dining hall, naupo na ako sa isang silya. Napatingin ako sa tapat na silya ko ngunit walang tao roon. Hindi ko alam kung ano bang hinihintay ko.
Binati ako ni Mama pero isang tipid na ngiti lamang ang aking ibinigay. Binati rin ako ng isang lalaki na bagong asawa ng mama ko.
“Where’s Rage?”
Mabilis na kumabog ang aking dibdib nang marinig ko ang pangalan na iyon. Akala mo ay gustong kumawala ng puso ko at hanapin si Rage.
Stop. Maling iniisip ko siya. Akala ko ba nakapagdesisyon na ako tungkol dito. Kailangan ko nang tumigil.
“Wala po si Sir Rage. Hindi po ata umuwi kagabi.”
My heart plummets at the pit of my stomach. Nawalan ako lalo ng ganang kumain. Ibig sabihin, kahit maghintay ako sa labas ng kuwarto na iyon kanina, hindi siya lalabas dahil hindi naman siya umuwi.
“Saan daw pumunta?” tanong ni Romeo De Laurentis, ang stepfather ko.
“Wala pong sinabi, pero ang sabi po ng guard ay umalis kagabi at hindi naman umuwi,” sabi naman ng isang kasambahay.
“Let him, honey. He’s old enough to take care of himself. Baka nasa bahay ng kaibigan niya or maybe her girlfriend’s.”
Ouch. Ang sinabi ng aking ina ay parang punyal na sumaksak sa nagdurugo ko nang puso.
Marahang humalakhak si Mr. Romeo, bago hawakan ang kamay ng aking ina. Nakayuko lamang ako habang pinagmamasdan ang pagkain sa pinggan ko.
“Girlfriends. Plural, honey. Hindi nakukuntento si Rage sa iisang babae.” Umiling si Mr. Romeo na akala mo ay dismayado sa isang bagay. Ang punyal na tila nakasaksak sa aking dibdib ay lalong lumalim at halos tumagos na sa likod ko.
Tumayo ako, wala na talagang gana.
“Cali, aalis ka na? Hindi mo pa nagagalaw ang pagkain mo.”
Tumingin ako kay Mama at kahit nahihirapan ay nagawa ko namang ngumiti.
“Baka ma-late ako, Ma. Sa school na lang po ako kakain.”
Hinalikan ko siya sa kanyang pisngi at ngumiti naman kay Mr. Romeo bago ako umalis sa dining hall. Hindi ko na kinakaya ang manatili roon at makinig sa pinag-uusapan nila.
Habang naglalakad ako papunta sa front door ng bahay ay bigla itong bumukas. Natigilan ako sandali at akala ko ay babagsak ang luha sa aking mga mata nang makita ko kung sino ang pumasok.
Rage.
Napatingin din siya sa akin at tumigil din siya sa kanyang paglalakad. Inayos ko ang disposisyon ko at naglakad nang muli palabas ng bahay. I walked past through him habang hinahayaan na lumipad ang isipan, nang bigla akong mapatigil sa paglalakad nang may humawak sa braso ko.
“Rage—”
Hindi ko na naituloy ang pagtawag ko sa kanya. Hinila niya ako papunta sa likod ng hagdanan at isinandal sa pader. Kinakabahan ako, dahil kahit tago ang kinaroroonan namin ay maaari pa rin kaming makitang dalawa. If someone sees us, we’re dead.
“Kailangan ko nang umalis. Male-late na ako sa school.” Pinilit kong tanggalin ang kamay niyang nakahawak sa braso ko ngunit hindi ko magawang magtagumpay. His grip is so firm, wala akong laban.
“I am going to ask you for the f*****g nth time, Calista…” Nanginig ang buong katawan ko nang banggitin niya ang buong pangalan ko. Siya lamang ang may kakayahan na magbigay ng ganitong reaksyon sa katawan ko.
Nang mag-angat ako ng tingin kay Rage, his eyes are furious. Like he wants to hurt me, but he’s trying not to.
Alam ko na nasaktan ko siya sa naging desisyon ko, but that’s the right thing to do.
“Rage, nasasaktan ako—”
Imbis na bitawan niya ako dahil sa sinabi ko ay lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin. Sobrang higpit nito na ramdam kong ayaw niya akong pakawalan.
“Is this want you want to happen, Cali? Ito ba ang gusto mong makita, ang lumayo ako sa ‘yo? Ito ba ang gusto mong maramdaman, ang magalit ako sa ‘yo at kamuhian kita? You want me to hook up with other girls? Is that wat you want, huh?”
Ramdam ko ang galit sa kanyang boses. His words are enough to cut me in half. Masakit marinig na galit siya sa akin, na lumalayo siya sa akin, at maaaring maghanap siya ng iba. Ngunit alam ko rin na iyon ang tamang gawin para sa aming dalawa.
This doesn't seem right. We’re wrong.
“Y-Yes…” Halos hindi ko marinig ang boses ko. Ayoko iyong sabihin pero iyon ang dapat niyang marinig.
Umigting ang panga ni Rage. The emotions are swirling in his eyes, na hindi ko malaman kung anong maaari niyang nararamdaman ngayon.
“You want me to f**k someone else; let them moan my name while I pleasure them. You want me to kiss another girl and touch them everywhere. Ganoon ba?”
Nanginig ang labi ko, at akala ko ay maiiyak na ako. Just the imagine of him doing all that to other women and not to me hurts so bad.
Tumango ako kahit na pinipigilan ang pagbagsak ng luha.
“You’re f****d up.” Binitawan niya ako at hindi ko alam kung anong mas gusto ko: ang hawak niya ako kahit na nasasaktan ako o ang hindi niya ako hinahawakan because I am yearning for his touch.
Yes, maybe I am f****d up.
“Iyon ang dapat nating gawin, Rage. Iyon ang tama—”
“Bullshit!” Muli niya akong hinawakan at itinulak papasandal sa pader. Bago pa ako muling makapagsalita ay hinalikan niya ang labi ko.
Noong una, hindi ko iyon sinusuklian pero sa huli ay hinayaan ko ang sarili ko. He smells and tastes like whiskey mixed with cigarette. Iyon siguro ng ginawa niya kagabi, ang magpakalasing.
Ipinikit ko ang aking mata at dahan-dahang tumulo ang luha sa mata ko. He’s mad at me but his kisses are so gentle…so passionate.
“Open your mouth.” At parang alipin ang aking katawan sa kanya. Ibinuka ko ang bibig ko at muli niya akong sinunggaban ng halik. Ipinasok niya ang dila niya sa loob ng bibig ko. His passionate kiss is no more, it’s aggressive now and forceful.
Rage licked my cheek. Dinilaan niya ang luha ko bago bumalik sa labi ko. He devoured me and pushed me to the road of no return.
Nang maghiwalay kami, bahagyang pumungay ang mga mata niya.
“Say you love me, Cali. Ipaglalaban ko ‘to.”
I am so tempted to say it, pero kapag ipinagpatuloy namin ito ay marami kaming masasaktan and that includes our family.
“Calista, please…”
Gusto kong bumigay. The way he begs me to say it weakened my resolved. Hindi ko kailanman nakita si Rage na nagmakaawa kahit kanino. He’s a prideful man and he never lowers his head…except now. Ngunit kapag nagpadala ako sa nararamdaman ko, kami lang din ang mahihirapan.
Ipinatong ko ang kamay ko sa dibdib niya at bahagya siyang itinulak. Suminghap ako nang mapigilan ko ang pagbagsak ng luha sa aking mga mata.
“No, Rage. I decided that we stop this. Hindi pwede—”
“Kahit na alam nating dalawa na hindi ito ang gusto mong gawin?”
Tumango ako at napamura si Rage. I want to hug him, caress his cheeks, and let the sadness in his eyes dissipate.
“I don’t even f*****g care about right or wrong when it comes to you, Cali. Kaya bakit hindi mo kayang gawin para sa akin—”
This time, ako naman ang pumutol sa sinasabi niya. Tiningnan ko siya sa kanyang mga mata bago magsalita.
“Because I am your stepsister! Your father is married to my mother, Rage! Sapat na rason iyon para itigil natin ang kahibangan natin. We already committed a lot of sins. Our souls are already burning in hell! Tama na iyon! Huwag na nating dagdagan pa. We can’t be together.”
Bago pa makapagsalita si Rage, mabilis na akong umalis doon. Tumakbo ako palabas ng bahay at sumakay sa nag-aabang na kotse sa akin para maihatid ako sa school.
Kahit alam ko na tama ang ginawa ko, I wasn’t satisfied. Nasaktan ko si Rage at nasasaktan din ako, ngunit kaming dalawa…hindi tama.
Tiningnan ko ang repleksyon ko sa bintana ng sasakyan.
I am Calista Azalea Villareal, and I am in love with my stepbrother.