"Hoy! Ella…alam mo na ba ang bagong balita ngayon?" excited na untag sa akin ni Alison sabay upo sa kaharap na upuan ng desk ko. Halata sa boses niya ang excitement at tila isang magandang balita nga ang sasabihin niya. Napatingin pa nga sa gawi namin ang iba naming kaklase at tila interesado rin na marinig ang sasabihin ng babaeng ito. Ang lakas kasi ng boses 'di man lang hinaan, 'yan tuloy marami ang interesado sa sasabihin niya. Ako, hindi naman ako interesado na marinig. Baka gwapong transferee na naman ang ibibida niya sa balitang tinutukoy niya at balak na naman niyang pagpantasyahan. "Anong balita?" takang tanong ko kay Alison. Natigil tuloy ako sa pagsusulat ko sa aking notebook dahil mukhang hindi niya ako titigilan hanggang hindi ko nabibigay ang buong atensyon ko sa kanya. Wal