"Nahanap mo na pala siya, bakit patuloy ka pa ring nagpapahanap sa mga tauhan ni Sky, Er?" Ibinaba ni Justin ang tangan niyang kopita ng alak pagkatapos niya itong tanungin sa akin. Nabanggit ko kasi ang pag-uusap namin ni Stella nang nasa Davao ako. Hindi ko napigilan ang aking sarili na magbukas sa kanya ng saloobin ko dahil naninikip ng sobra ang dibdib ko. Sa bahay niya ako dumiretso pagkagaling ko ng trabaho. Ayaw kong umuwi ng mansion at mas lalong ayaw kong umuwi ng condo. Nasasaktan ako ng sobra sa totoo lang. In denial pa si Stella samantalang huling-huli ko na siya. "Ayaw niyang umamin, pare. Gusto ko lang siyang pagbigyan…" "Pagbigyan para ano? Hindi kita ma-gets, pare." Bumuntong-hininga ako sa tinuran ni Justin. Sa lahat ng miyembro sa barkada namin ay siya lang ang tangi