“Quin, natawagan mo na ba iyong clown na pupunta mamaya?” Mula sa tinatapos n’yang pag compute ng grades ng mga estudyante para sa katatapos lang na grading period ay nilingon n’ya ang Mama n’ya na nakasilip sa hamba ng pinto ng kwarto n’ya. Fifth birthday ng bunsong kapatid n’yang si Quim kaya busy ang buong pamilya n’ya pati na rin ang pamilya nina Pio na sadyang tumutulong kapag mayroong mga handaan sa kanila. Their family was quite close. Kaya naman kahit na walang araw na hindi s’ya naiimbyerna kay Pio ay nasanay na rin s’ya sa presensya nito at minsan ay nagugulat na lang s’ya na masyado na s’yang komportable sa presensya na kahit na yata aksidenteng marinig nito ang tunog ng utot n’ya ay hindi na s’ya mahihiya pa! His family was like an extension of her family. Lalo na at tatlo lan