Imbyerna at nanggigigil pa rin sa inis si Quin nang makapasok sa loob ng bahay matapos ang ginawang pagdikit ni Pio sa kanya. Wala na talagang araw na lumipas na hindi s’ya naiirita sa kapitbahay n’yang ‘yon. She’s only twenty six, pero kung magpapatuloy siguro ang ginagawa nitong pambubwisit sa kanya ay maaga s’yang tutubuan ng uban dahil sa araw araw na konsumisyon dito! “Bwisit talaga!” inis na inis na bulong n’ya habang pumapasok sa kusina matapos matapos magpunas ng towel sa braso. “Ano na namang nangyari sa’yo, Quin? Kanina lang ay ngingiti ngiti ka pa d’yan. Ngayon naman ay sambakol na ‘yang mukha mo. Ano ba talaga, anak? Stress ka ba sa trabaho?” sunud sunod na tanong ng Mama n’ya matapos s’yang makapasok sa kusina at maabutan itong abala pa rin sa pagluluto para gaganaping party