Chapter 5

1078 Words
Lorien POV... Nakaupo ako dito sa balcony namin at nakatingin sa malayo mukhang lapas galaxy na toh. Iniisip ko lang naman kung nasaan na siya ngayon at kung anong reaction niya kung malaman niya na may anak kami naalala ko kasi ang sinabi ni Tita saakin. Flashback... "May pamilya na po ba siya?"  Kinakabahang sabi ko. Napatingin siya saakin at umiling. "Namumuhay lang siya mag isa walang asawa at anak. Ikaw iha may asawa ka na ba?" Sabi niya. Napatingin ako sa kanya. At umiling. "Wala po." Bigla niyang hinawakan ang kamay ko. "Please, pabalikin mo siya. Please Lorien." Sabi niya. Napaisip ako di naman masama kung maging kami ulit pero ang kinatatakutan ko ay baka di na niya ako mahal. "Uhmm .. baka di na ako ang laman ng puso niya." Sabi ko. "I know my son. Kung mahal niya talaga di niya ito ipagpapalit sa iba. So please Lorien bilang isang inang nagkamali noon gusto kong maging masaya ang anak ko." Sabi niya. Napatingin ako sa kanya. "I'll try po." Di ko alam kung bakit napabas yun sa dila ko. End of Flashback... Napabuntong hininga ako at pumikit. *Phone Ring* Si Finnie... sinagot ko naman. "Oh?" (Don't forget mamaya ha. Birthday ng baby namin.) Sabi ni Finnie. "Di ko yun makakalimutan noh. Kahit di ako nakadalo sa binyag niya tinuturing ko na din yang anak ko noh." Sabi ko. Napatawa nalang siya di ko talaga alam nagkatuluyan pala ang isang Cold Hearted Boss na si Finnie at Maldita na stricta na si Claire. Hahaha. (Sabi mo yan ha. Punta ka dito.) Sabi niya. "Oo na." Sabi ko nalang. "Okey! Bye na busy namin ngayon eh." Sabi niya at nagbye na din ako at binaba ko na. Napatayo ako at pinuntahan ko si Wayne na nagbabasa. "Baby, magbihis ka na pupuntahan na natin ang anak ni Tito Finnie mo." Sabi niya. Tumango siya at nagtatalon. Mukhang ang hyper ng anak ko ngayon? ***** Party... "Mabuti nakarating ka, hime." Sabi niya napatango ako at tumingin sa anak nila. "Hello baby boy. Miss mo ba ako?" Nakangiting sabi ko. Niyakap naman ako ni Flare. Ang sweet talaga nila at ang gwapo pa nang batang toh nagmana sa mama niya. "Yes, Tita. Wow tita is that my gift?" Masayang sabi niya. Tumango ako at binigay sa kanya. "Thank you Tita!" Masayang sabi niya. Napatingin ako kay Wayne na mukhang nahihiya kaya napatingin ako sa tinitingnan niya. Yung anak ni Christian na si Chris. "Baby?" Tawag ko napatingin naman si Flare kay Wayne at tiningnan ng masama si Chris. Oh I smell something.... "Wayne." Tawag ko sa anak ko. Mukhang natauhan agad nung pagtawag ko sa kanya sa pangalan niya. "B-bakit Mama?" Sabi niya. Nginitian ko siya ng nakakaloko. "Anong meron sa tinitingnan mo?" Sabi ko at mukhang namula naman siya. "W-wala po... uhmm ano yung cake po doon oh." Sabay turo sa likod ni Chris. Napangiti ako basa ko na siya noh. "Ikaw talaga nadamay pa ang cake sa pagtitig mo kay Baby Chris." Sabi ko. "Mama di kaya." Sabi niya sabay pout. "Tara na magsisimula na ang party." Sabi ni Claire. Tumango kami at lumakad na. Nakaupo kami at kumain ng Cake!! Parehas kami ni Wayne malalakas kumain ng cake hahaha. "Finnie, isa pa nga." Sabi ko sabay hingi ng cake. Mabuti marami yung cake. "Ang tatakaw " sabi niya. Siningkitan ko siya ng mata. "Okey kukunin ko na." Sabi niya. Napaapir naman kaming dalawa ni Wayne sabay tawa. Pero napansin ko ang isang taong kakarating lang naka suit siya ng itim at may dalang Gift Bag. Ang lalamig ng titig niya ganyan na ba siya? Biglang may lumapit na mga babae sa paligid niya. "Hello pogi." Sabi nung dalawang malalanding babae. "....." di siya nagsalita at nilagpasan lang niya ito. Ako kaya pagsinabihan ko siya ng ganun lalagpasan rin ba niya ako? Wait lang bakit siya nandito? Napatingin ako kay Finnie at Christian na nagpapanik. Sinamaan ko sila ng tingin. Nagusap sila ni Finnie at bibigay ang gift kay Flare. I miss that man. 7 years na pero ibang iba sa Cloud na kilala ko mas lalong naging macho siya at sa pananaw ng lahat ay parang boss na ang aura nito at pinapangarap ng lahat ng babae. "Mom? Are you okey?" Tanong ni Wayne. Napatingin ako sa kanya at tumango. Napatingin ako balik sa kinatatayuan ni Cloud pero wala na siya doon kaya napatayo ako. "Excuse lang anak ha. Cr muna ako." Sabi ko at tumango lang siya at lumakad na ako at hinahanap si Cloud  nasaan na yun? Wala na siya sa party baka umuwi na. Napayuko ako at bigla nalang may humawak sa kamay ko at patakbo kami papuntang parking lot ang layo nun ha. Hinihingal ako habang siya nakahawak padin sa kamay ko at napahinto siya habang nakatalikod padin. "Sino ka ba? Bakit mo ko dinala dito?" Hinihingal kong sabi. Bigla siyang humarap saakin. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Ang lalakeng matagal ko ng namiss ang lalakeng pinakaminamahal ko ang lalaking ama ni Wayne at lalakeng si Edward Cloud Ferro... "C-cloud." Kakaibang aura ang pinakita niya saakin hindi yung kanina na walang emosyon ngayon... pagkamiss na ang nakikita ko. Lumapit siya saakin at niyakap ako bigla. "Lorien." Sabi niya. Napatulo nalang ang luha ko sa mga mata. "Cloud." Niyakap ko siya pabalik. Grabe tadhana na ang gumawa ng paraan ha. Bumitaw siya saakin at hinawakan ang pisnge ko at pinunasan ang luha ko. "I miss you and I love you... please forgive me don't leave me again." Sabi niya at ako naman umiiyak padin. "Cloud, matagal ko nang hinihintay ito. Akala ko may asawa ka na at anak." Sabi ko. Umiling siya at nagsalita. "I was waiting for you." Sabi niya. Napangiti ako sa sinabi niya. "Sana ginawa ko na noon ang ipagtanggol ka bago ka nawala. Sana sinabi ko sa papa ko na ikaw lang ang para saakin wala nang iba." Sabi niya. Di ako makapaniwala sa nararamdaman ko ngayon ang bilis ng t***k ng puso ko at parang lalabas na sa katawan ko. "I understand." Sabi ko sabay hawak sa mukha niya. "I love you." Sabi niya saakin ako naman di makasagot. "What is your answer?" Excited masyado. Pinulupot ko ang kamay ko sa leeg niya at nagtama ang mga labi namin sa isat isa. Matagal yun bago kami naghiwalay ng labi. "That was my answer." Sabi ko at niyakap siya. "I Love you too, My Cloudy Cloud." ******* LMCD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD