Chapter 6

1007 Words
Lorien Angel POV... Paano ko ba sasabihin kay Cloud ang totoo na may anak na kami. Napagulong ako sa higaan ko si Wayne naman natutulog pa. Kinakabahan ako matatanggap ba niya si Wayne? "Mama, ang likot mo naman. Nahuhilo nako sayo." Napatingin ako sa anak ko. Ay nagising ko pala. "Sorry anak." Sabi ko sabay yakap sa kanya. "Mom, may sasabihin ako sa inyo." Sabi niya. Napatingin siya sa dingding. Sinong kausap niya? "Anak, nandito ako. Sino ang kausap mo?" Birong tanong ko. Napapout naman siya. "Mama naman eh. Serious mode tayo ngayon." Sabi niya at napakamot nalang ako. Mukhang kinabahan ako ngayon ha. Serious mode daw oh. "Ano yun anak?" Sabi ko. "Mama, nasaan po ba talaga ang Papa ko? Nagseselos ako kina Chris at Flare kasi kompleto sila may mama at papa sila. Nasaan po ba ang papa ko? Di po ba niya tayo mahal?" Sabi niya. Nagulat ako sa tanong niya. "Anak, wah kang magsalita ng ganyan. Mahal tayo ng papa mo." Sabi ko. Mukhang maintindihan naman niya siguro kung ikukuwento ko na sa kanya. "Ganito kasi yun..." kinuwento ko sa kanya lahat kung ano kami noon ng papa niya then naging kami at yung fiancee niya then yung pag alis ko. "Mama, sorry po di ko po alam. Promise ma di nako magtatanong....." Sabi niya. Niyakap ko naman siya. "Ma anong pangalan ng papa ko?" Tanong niya. Sabi niya di na siya mag tatanong. ~__~ "His name is Edward Cloud Ferro." Sabi ko. Napatango nalang siya ng may naalala siya. "Ma! Siya yung CEO sa EC company! Di ko pa nakikita mukha niya." Sabi niya. Bakit alam niya pero ako hindi? Napatingin ako sa orasan. "Anak may pupuntahan pa pala ako." Sabi ko at tumango siya napatayo ako at dumiretso sa Cr. **** Wayne Clangel Ferro POV... Nakaalis na si Mama at ako nandito sa bahay ako lang mag isa dito. Napaisip ako na pupuntahan ko si Papa. Nagbihis ako at dinala ang bag ko at sa 6 pa ako pero marunong nakong sumakay ng mga sasakyan. Forward... Bumaba nako sa Taxi at nakita ko ang napakalaking company ni Papa. Papasok sana ako ng hinarang ako ng guard. "Anong kailangan mo bata?" Sabi ng guard. Napatingin ako sa kanya. "Pupuntahan ko papa ko."sabi ko at magpapatuloy sana sa paglalakad ng hinawakan niya ang kamay ko . "Bawal bata dito." Sabi pa niya. Napasingkit ang mata ko anong bawal? "Waaaa! Gusto ko makita papa ko! Papa!" Sigaw ko. Kahit marami nang nakakita saamin. I Don't care. "Wag kang maingay bata." Sabi niya. Umiiyak nako ang gusto ko lang ay makita ang papa ko. "What's happening here?" Malamig na sabi ng isang boses. Mukhang nanigas naman yung guard. "S-sir... may bata po kasing hinahanap ang papa niya." Sabi nung guard. Napatingin naman ako sa lalaking kausap ni manong guard. Teka si.... "Mr. Jollibee!" Sigaw ko. Mukhang nagulat din siya na makita ako. Napatakbo ako sa kanya at niyakap siya. "I-ikaw pala yan Baby Girl. Anong ginagawa mo dito?" Sabi niya. Dito pala siya nag tatrabaho. "Nandito papa ko." Sabi ko. Mukhang nagulat nanaman siya. "S-sir kilala niyo po ba ang batang yan." Sabi nung guard. Natatakot ako sa guard kaya niyakap ko ang leeg ni Mr. Jollibee. "Yes." Sabi niya at naglakad papasok ng company ni Papa. Sumakay kami ng elevator. "S-sinong papa mo?" Tanong nito. Napatingin ako sa kanya. "Sabi ni mama ang papa ko daw ay si Edward Cloud Ferro. Kaya pala Ferro apilyedo ko sana nagresearch ako sa internet " sabi ko. Napangiti naman siya sa sinabi ko. "Gusto mo bang dalhin kita sa opisina niya?" Sabi niya. Tumango ako pero kinakabahan ako baka di niya ako gusto. "Uhmm... ilarawan niyo si Papa please. Sa tingin niyo rin po matatanggap niya kami ni Mama." Nakayukong tanong ko. "Syempre. Mahal na mahal kayo nun. At mabait ang papa mo at mahal na mahal niya ang mama mo." Sabi niya. Napangiti naman ako at biglang bumukas ang elevator. Nakita ko ang isang babae na mukhang secretary . "Good Morning Sir Cl...." di na niya natuloy dahil nagsalita agad si Mr. Jollibee. "Cancel mo lahat ng meetings ni Sir Ferro." Sabi niya. Naguguluhang napatango ang secretary at lumakad na papuntang office ni Papa. Nandito ba si papa. Dumiretso siya ng pasok at wala ngang nakaupo doon. Nakita ko doon ang mesa niya at may nakalagay na... Edward Cloud Ferro (Company CEO) "Nasaan po siya?" Tanong ko. Pinaupo niya ako sa mesa ni papa at umupo siya sa upuan ni papa. "Bakit po kayo umupo jan? Baka makita kayo ni papa." Sabi ko at siya nakangiti lang siya at hinawakan ang mukha ko. "Di magagalit yun dahil ako si ay siya." Sabi niya. Nanlaki ang mata ko at napatingin sa kanya. Siya ang papa ko? "Po?" Sabi ko nalang di ako makapaniwala nakaharap ko na ang papa ko. "I'm your father." Sabi niya at tinuro niya ang picture frame sa gilid ko. Nandun si mama at siya na masayang nagpicture sa isang magandang lugar. "Ikaw po ang papa ko." Di ko makapaniwalang sabi ko at niyakap niya ako. "Ako nga. Di ako makapaniwala na matagal na pala akong naging ama." Sabi niya  niyakap ko siya ng mahigpit. "Papa, papa! Ang saya ko kasi makokompleto na tayo.... teka papa di ka ba nagpakasal sa fiancee mo noon?" Sabi ko. Umiling naman siya. "So ganun kayo ni mama ang magpakasal " masayang sabi ko. "Soon anak." Sabi niya. Napangiti ako nagusap kami ni Papa at naglaro hanggang sa dinalaw nako ng antok. At dun nako nilamon ng antok ko. Cloud POV... I'm happy dahil ang anak ko mismo ang pumunta saakin dito.... wait nasaan si Lorien? Bakit si Wayne lang ang nandito? Siya lang ba mag isang pumunta dito? Nakatingin ako sa anak ko. Malalaman mo talaga na saakin ito dahil kamukhang kamukha ko. "Salamat Lorien dahil di mo pinalaglag ang anak natin. I'm promise anak bubuhuin ko ang pamilyang pinapangarap mo." Sabi ko at hinalikan ko sa noo ang natutulog kong anghel ng buhay namin. ***** LMCD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD