YOU’RE blooming, dear! Napa-angat ng tingin si Mae kasabay ng kanyang pag-ngiti. Umupo sa harap niya si Criselda, ang pinsan ni Zaynard. “Hindi naman. Maayos lang ang tulog ko, kagabi.” “Asus! Pakime ka pa. Nakita kong bumili ng teddy bear si Zayn kahapon.” Nag-blush siya dahil totoo ang sinabi ng ate Cris niya. Kasinglaki ng tao ang teddy bear na binili sa kanya ni Zaynard. Nagulat nga siya pero talagang gustong-gusto niya ‘yon. Masarap yakapin, itabi sa pagtulog. “Kung bakit kasi hindi ka pa magbuntis. Sa susunod na taon trenta na ang asawa mo kailan n’yo pa balak magkapamilya?” “Saka na siguro, ate. Wala pa akong trabaho, eh. Mahal ang mga bilihin ngayon. Dapat ay parehas kami ni Zaynard kumikita. At kung magbubuntis man ako, gusto ko sa nasa Pilipinas na kami.” Tugon niya.