NAPAKABANGO mo, Mae. Alam kaya ng asawa mo kung gaano mo siya pinaghandaan? Maiiyak na si Mae sa galit kay Albert. Hindi niya alam kung bakit ganito umasta ang binata ni hindi manlang siya iginalang. Hanggang sa tuluyang lumandas ang butil ng luha niya nang tuluyan nang nakalapit si Zaynard sa kanila. “What do you think you’re doing?” Nakatingala si Mae sa cold na boses ng asawa na hindi niya sigurado kung kay Albert ba nakatingin o sa kanya. Pilit niyang kumakawala kay Albert hanggang sa binitiwan siya pero bigla siyang napalunod. Inahon siya ni Albert at dinala sa mababang parte agad siyang humawak sa gilid at mabilis niyang tinukod ang dalawang kamay at umahon siya. Tumayo siya at ngayon ay magkaharap na sila ng asawa niya. Sa sobra niyang kaba kanina hindi na niya nahaplos ang m