“Napakaganda pala ng mansyon ninyo, doc. Sa Dubai lang ako nakakita ng ganitong klaseng mansyon.” Bakas ang pagkamangha ni Mae sa napakagandang mansyon. Akala niya ay si Zaynard na ang pinakamayaman na nakilala niya dahil sa expensive nitong tirahan pero may katulad rin pala ng ex husband niya—si Lorenzo. Luminga siya sa paligid nang mapansin wala sa tabi niya ang doctor. Tatalikod sana siya pero nakita niya agad sa gilid niya ang binata. Hawak nito ang susi ng sasakyan at nakatingin sa kanya. Nahiya siya, hindi niya alam kung kanina pa ba siya nito tinitigan o baka masyado siyang matabil. “Yong kapatid ko ang nagdesign niyan magaling siyang architect.” Tugon nito at lumapit na sa kanya. Saka naman pumasok ang isa pang sasakyan sa loob at huminto sa bakuran. Naglakad si Lorenzo sa sas