MALAKAS ang hampas ng hangin dala ng paparating na bagyo bukas ng alas syete ng gabi. Nakaupo lang si Mae sa mahabang sementong upuan sa gilid ng kalsada. May iilan na nagtitinda ng kakanin sa bilao. Mayroon ring sorbetes na maingay at mga sigarilyo at candy. Hawak ni Mae ang papel at dalawang pregnancy test. Kinumpirma ng doctor na 9 weeks siyang buntis. Marami itong habilin sa kanya lalo pa’t sensitive pa ang tiyan niya kaunting pagkakamali lang ay maaring makunan siya. Sa dami ng pasakit na pinagdaanan niya ay wala nang lumalabas na luha sa kanyang mga mata. Ang pinoproblema niya ngayon ay kung makakaya ba niyang palakihin ang anak niya na walang ama. Batid niyang maraming mga single mother sa mundo at kabilang na siya do’n. May babaeng dumaan sa harap niya at may karga itong sang