KAGABI lasing ka raw, ngayon lasing ka naman? Ano ba ang problema mo, apo? Napahinto sa paglalakad si Mae nang marinig niya ang boses ng Donya. Imbes na umiwas sa pinag-uusapan ng maglola ay pinili niyang makinig. “Siguro ay tama kayo, La. Masyado akong naging padalos-dalos sa desisyon ko kay Mae.” “Ako nga rin ay nagulat sa iyo dahil hindi ka naman ganiyan. Naalala ko no’ng naging nobya mo si Barbara isang taon mo siyang nilihim sa akin. Kung hindi ko pa ikaw nakita sa telebisyon hindi ko malalaman. Kaya ganito na lang reaskyon ko no’ng pinatira mo rito ang batang ‘yon at buntis pa man din. Mabuti sana kung ikaw ang ama. Ano ngayon ang plano, mo?” Napahigpit ang hawak niya sa tuwalya. Sumabay pa ang kabog ng dibdib niya. “Nakapagdesisyon na ako, La. Mahirap pero—” Mabilis niyang