NAKATAYO si Albert sa bakuran habang may kausap sa phone. Tumulong si Mae sa paghahanda ng meryenda. Ang kasambahay naman ang nag-ayos ng juice at siya ang naglagay ng palaman sa ginawa nilang burger. Bitbit niya ang tray na may tatlong burger para sa kanilang tatlo. Nauna ang kasambahay sa pagdala ng juice at mga baso nilagay rin nito sa tray. Nang makalabas siya ay agad siyang sinalubong ni Albert. “Let me, sweety.” Malambing na wika ng binata. Hinayaan niya si Albert na kunin ang hawak niyang tray at ito ang naglapag sa lamesa. Alam niyang nakatingin sa kanya si Lorenzo kaya minabuti niyang ‘wag itong tingnan. “Alam na ba ni Zaynard na nandito ka, Albert?” tanong niya. “Nope. Even my family hindi nila alam na nandito ako. Ikaw ang dahilan kung bakit ako umuwi. I would like to in