Chapter 02

3304 Words
Chapter 02   “Akala mo kung sinong gwap—oo gwapo sya pero wala syang manners! Nakakainis na nakaka-insulto ang lalaking ‘yun!”   Padabog na inaayos ni Heaven ang mga mesa ng mga estudyante nya habang nagra-rant sa nangyari sa kanya kanina lang. Aaminin ni Heaven na may pagkakamali din sya dahil hindi nya nabantayan ng ayos si Destiny kaya nakalabas ito ng classroom nila. Naging abala kasi sya sa pag-aayos ng mga textbook ng mga estudyante nya at dahil wala pa ang sundo ni Destiny kaya ito nalang ang naiwan sa kanya tapos nangyari pa ang eksena na ‘yun na lubos na ikinaasar ni Heaven dahil ang lalaking nagsungit sa kanila kanina ay kauna-unahang nagsabi sa kanya na isa syang irespobsableng guro.   Natigilan si Heaven sa pag-aayos na ginagawa nya ng sumagi sa isipan nya ang sinabing pangalan ng masungit at walang manners na lalaking naengkwentro nya. Hindi alam ni Heaven kung maniniwala sya na Devil ang pangalan nito, pero hindi nya rin maiwasan na maniwala dahil kung Devil nga ang pangalan nito ay saktong-sakto ‘yun sa pag-uugali ng lalaki.   “Kung makita ko man ulit ang lalaking ‘yun sisiguraduhin ko na maabutan ko sya ng GMRC book para mapag-aralan nya. Paano kung may bata na naman sya na makasalubong at puro mura ang lumabas sa bibig nya. Tss! Nakakainis ang mga tao na gaya nya na kulang sa tamang asal.” Naiinis na sambit ni Heaven   Nag-init ang tenga ni Heaven ng maabutan nya na kinakausap ng lalaking ‘yun ang estudyante nya na si Destiny na puro mura ang lumalabas sa bibig. Nagpapasalamat nalang si Heaven dahil hindi nagkwento si Destiny sa ina nito ng sunduin ito sa classroom nila.   “Bakit ba inii-stress ko ang sarili ko sa walang modong lalaki na ‘yun? Madami pa akong lesson plan na gagawin para mainis lang sa nilalang na ‘yun.” Sambit na pahayag ni Heaven sa kanyang sarili ng mapalingon sya sa pintuan ng classroom nya at makita nya ang co-techer s***h bestfriend nya na si Jamie nakasandal sa hamba ng pintuan at kunot noong nakatingin sa kanya.   “Nakikita ko ang bad vibes sa awra mo langit, anong minamaktol mo dyan? Kinakausap mo ang sarili mo mag-isa hindi mo man lang napansin ang pagdating ko.” Punang kumento nito na umalis sa pagkakasandal sa hamba ng pintuan at nilapitan si Heaven.   “Kanina ka pa ba nakatingin sa akin?”   “Fifteen minutes I guess, nag-aayos ka palang ng mga desk ng mga estudyante mo habang naiinis na kinakausap mo ang sarili mo ng dumating ako. First time kong makita ang inis mode mo ah langit, may naka-away ka ba?” tanong ng kaibigan na ikinabuntong hininga ni Heaven.   Hindi kasi mabilis mainis si Heaven, kalmado pa nga sya tutuusin at hindi nagpapadala sa paligid nya. Naka-engkentro na sya ng mabunganga na magulang pero pinakaharapan nya lang ito ng maayos at hindi na ginawang big deal pero iba ang naging dating sa kanya ng lalaking masungit na nakaharap nya dahil hindi nya mapigilang mainis dito.   “Majority ba talaga sa planet earth na ang mga nakatira ay mga nakaka-inis na tao?” tanong ni Heaven na bahagyang ikinagulat ni Jamie na agad nilapitan si Heaven at hinawakan ang magkabilang balikat nito.   “Ayy teka? So may nakapag trigger ng inis mode mo na rare ko lang makita sayo langit? Sino ‘yan? Napuno ka na ba sa mga fans ni Mr. Sven na binabash ka dahil ikaw ang nabibigyan ng atensyon ng gwapong head chairman natin?” usisang tanong ni Jamie na ikinaalis ni Heaven sa pagkaka-hawak ng mga kamay nito sa balikat nya at tinuloy ang pag-aayos ng mga desk na sinusundan naman ng kaibigan nya.   “Ui Langit magkwento ka naman.”   “Matutuloy ba ang Ocean Park tour ng kinder next month?” pag-iibang topic ni Heaven sa kaibigan   “Oo tuloy na, napirmahan na ni Mr Sven ang waver. Kailangan na natin gumawa ng request form para sa mga parents kung papayagan nilang sumama sa tour ang mga anak nila. Malamang na marami na naman tayong maririnig na against sa mga magulang dahil sa outdoor acti—Ahhhhhh! Iniiba mo ang usapan langit, nakakainis ka!” pahayag na maktol ni Jamie ng marealize nya na nilalayo ni Heaven ang main topic nila na hindi nya napansin.   Bahagyang napatawa naman si Heaven sa reaksyon ng kaibigan, bumalik na lang sya sa desk nya para mga gamit naman nya ang ayusin nya na ikinasunod parin ni Jamie sa kanya.   “Oo nga pala langit, alam mo bang trending parin hanggang ngayon sa loob at labas ng school natin ‘yung sumundo sa anak ni Mrs. Westaria a month ago? Isang buwan na nakakalipas pero usapan parin ang tungkol sa gwapong sundo ng estudyante mo.” Pahayag na kwento ni Jamie na hindi nalang kinulit si Heaven sa kung ano ang kinainisan nito dahil alam nyang hindi ito magkukwento sa kanya.   Natiigilan naman si Heaven sa binigay na topic ni Jamie sa kanya, sa pagkakatanda ni Heaven ay absent sya ng oras na ‘yun dahil masama ang pakiramdam nya. Pagpasok nya kinabukasan ay nagulat nalang sya dahil ang ilang mga teacher ay nagkukumpulan sa tapat ng classroom nya at pinanggitnaan ang isa nyang estudyante na si Knight Westaria na anak ng mayaman at kilalang businessman na naging sponsor ng Paaralan nila. Wala naman syang clue sa nangyayari nun hanggang sa ikwento nga ng kaibigan niya na si Jamie ang nangyari noong wala sya.   “Hindi pa rin sila maka move on sa sundo ni Knight noon? Diba sabi mo sa akin noon, sinungitan nun ‘yung ate ni Maydie?” tanong ni Heaven na ang tinutukoy ay ang kapatid ng kanyang estudyante   “Paano makaka move on ang mga malalanding co-teacher natin kung napaka gwapo naman nung sundo ng estudyante mo na kahit masungit benta pa din.”   “Beauty is deceitful, gwapo lang ang mga ‘yan pero walang GMRC ang mga ganyang lalaki.” Kumento ni Heaven na ang isang example na pumasok sa isipan nya ay ang masungit na lalaki sa park.   “Ayy grabe ang langit na ‘to, huwag mong nilalahat. Si Mr. Sven gwapo ‘yun ah pero may GMRC ‘yun.” Sambit ni Jamie na ikinangiti nalang ni Heaven bago binitbit ang ilang libro nya at lumabas nang classroom nya upang kunin ang mga gamit nya sa faculty room para makauwi na sya dahil marami pa syang gagawin sa apartment na tinutuluyan nya.   Mag-isa lang na naninirahan si Heaven sa manila ng dito sya ipadala ng DepEd para magturo sa kinder sa kilalang school sa manila. Nasa probinsya ang mga magulang nya at nagpapadala nalang sya ng allowance sa mga ito at minsan lang sya makauwi para dalawin ang mga ito. Sa isang liblib na baryo sa Cagaya De Oro pinanganak si Heaven, pangarap talaga nyang maging guro at ng makamit nya ang pangarap nya ay tiniis nya ang layo at lungkot na hindi kapiling ang kanyang pamilya para makatulong sya sa mga ito dahil sila ang dahilan kung bakit nakamit nya ang pangarap nyang maging isang guro.     “Wala ka bang balak na sagutin si Mr.Sven? If I’m not mistaken sobrang tagal ng nagpaparamdam sayo ang head chairman natin.” Usisang tanong niJamie habang naglalakad sila sa pasilyo papunta sa faculty room   “Wala pa sa isipan ko ang bagay na ‘yan, Isa pa hindi kami bagay ni Mr. Sven at ayokong sugurin ng mga fans nya.” Sagot ni Heaven na ikinahalukipkip ng kaibigan nya sa tabi nya   “Paano mo nasabi na hindi kayo bagay eh gwapo sya maganda ka, mayaman nga lang sya at isang simpleng dalagang pilipina ka lang pero swak kaya kayo.”   “Hindi kami bagay Jamie dahil parehas sobrang laki ng pagka-kaiba naming dalawa, isa pa masyadong mabait si Mr. Sven para sa akin.” Sagot ni Heaven na binibigyan ng ngiti ang bawat estudyante na nakakasalubong nila sa hallway.   “Bakit ano bang gusto mo, yung bad boy? ‘yung tsundere ang peg pero may soft heart naman ganun?” pahayag ni Jamie na ikinatawa lang ni Heaven   “Ayoko sa bad boy at higit sa lahat ayaw ko muna sa isang relasyon kaya huwag mo na ipilit si Mr. Sven sa akin.” Sambit ni Heaven na dere-deretsong pumasok na sa faculty ng parehas silang matigilan ni Jamie ng may isang bouquet ng red roses ang nasa desk ni Heaven na ikinangisi at bahagyng ikinasiko ni Jamie sa may bewang nya.   Ilan naman sa mga teacher na nasa faculty ay umuusisang nakatingin sa bulaklak na nasa mesa ni Heaven samantalang may tatlo di kalayuan sa gilid ni Heaven na nararamdaman nya ang pinupukol na masamang tingin ng mga ito sa kanya.   “Uuwi ka na nga lang sinusuyo ka pa.” kinikilig na bulong ni Jamie sa tabi nya na buntong hiningang ikinalakad na ni Heaven sa mesa nya at inilapag ang libro na dala nya.   Wala namang masasabi si Heaven sa head chairman ng school na pinapasukan nila, mabait ito at nakikita nyang responsible dahil ito na ang nagpapatakbo ng paaralan na itinayo ng mga magulang nya. Hindi rin naman sila nagkakalayo ng edad pero wala pa sa isipan ni Heaven na pumasok sa isang relasyon, maisipan nya man ay hindi nya nakikita sa head chairman nila ang gusto nya sa isang lalaki kahit wala namang clue si Heaven kung ano nga ba ang gusto nya pagdating sa isang lalaki. Boss at kaibigan lang ang nakikita nya dito. Nang minsan na umamin ito sa kanya ay dineresto nya ito na hindi nya ito gusto pero mapilit ang binate dahil hindi daw ito titigil hanggat hindi sya nito binibigyan ng chance kaya ilan sa mga co-teachers nya may galit at inggit sa kanya na hindi nya nalang pinapansin dahil ayaw nyang gumulo ang pagtatrabaho nya bilang guro.   “Hindi naman kagandahan pero ano bang nakita ni Mr. Sven sa kanya?”   “Baka ginayuma Ms. Ellen tapos nagpapakipot para inggitin tayo na hinahabol sya ng anak ng may ari ng school.”   “So b***h, I mean baka witch.”   Napabuntong hininga nalang si Heaven sa mga naririnig nya sa may bandang likuran nya, ayaw nyang patulan ang  tatlong co-teachers nya na alam nyang may galit sa kanya dahil lang sa head chairman nila. Si Heaven ang klase ng tao na ayaw sa gulo kaya hinahayaan nya nalang magsalita ang mga ito sa kanya.   “Mga inggetera lang kayo, bakit ba hindi nyo nalang tantanan ang kaibigan ko. Naturingan pa naman kayong mga guro pero kulang naman kayo sa manners.” Rinig ni Heaven na pagtatanggol ni Jamie sa kanya na bahagya nyang ikinangiti.   Si Jamie lang ang naging close nya simula ng lumipat sya sa school na’to, ito narin ang naging tagapagtanggol nya sa mga umaaway sa kanya tulad ngayon.   Kinuha na ni Heaven ang mga bulaklak at ang gamit nya bago nilapitan si Jamie at tinapik ang balikat nito na ikinalingon nito sa kanya at sinenyasan nyang huwag ng makipagtalo na ikinairap lang ni Jamie sa mga umaaway kay Heaven at kinuha na ang mga gamit nya. Ngiting nakatingin lang si Heaven sa tatlong co=teachers nya na masamang nakatingin sa kanya habang mao-sosyong nakatingin lang ang ibang guro at hindi nakiki-elam sa gulo na ikinasanay na ni Heaven.   “Nakaka-kulubot ng mukha pag lagi kayong ganyan, chill lang kayo Ms. Ellen, Ms. Faye and Ms. Lorie. Makakatanggap din kayo ng bulaklak, hintayin nyo lang.” ngitig sambit ni Heaven bago lumabas na ng faculty na sinundan na ni Jamie na binigyan muna ng ngisi ang tatlong naasar sa sinabi ni Heaven.   Dere-deretso lang naglalakad si Heaven bitbit ang bulaklak na hawak nya at tinutungon ang daan papunta sa office ng head chairman nila na walang imik na ikinasunod lang ni Jamie. Nang makarating sila sa tapat ng office nito ay kumatok muna si Heaven sa pintuan bago pumasok sa loob at naabutan si Sven na nakasalamin na nakatutok sa computer nito bago napalingon sa kanya at napangiti ng makita sya.   “Elise, what brought you here?” ngiting tanong nito bago napalingon sa bulaklak na hawak nito na bigay nya bago binalik ang tingin kay Heaven na naglakad palapit sa lamesa nya at inilapag ang bulaklak sa ibabaw nito.   “Magaganda ang mga bulaklak na ‘yan Mr. Sven pero hindi kasi ako mahilig sa roses. Hindi na po sana maulit ito na mag-iiwan kayo sa lamesa ko ng kahit anon a pwedeng ikagalit ng ibang co-teachers ko sa akin. I’m sorry Mr. Sven pero malinaw naman po ang sinabi ko sa inyo noon na ayoko munang pumasok sa isang relasyon.” Pahayag ni Heaven kay Sven na hindi nawala ang ngiti sa mga labi nito.   “Did I get you in trouble again because I give roses? Sorry Elise hindi ko kasi mapigilan na ipakita sayo ang feelings ko, hindi na mauulit.” Sambit nito na ikinabuntong hininga ni Heaven   “Mr. Sven…”   “Kaya ko namang maghintay Elise kung kalian mo ako bibigyan ng chance, I’ll try not to give you anything inside the school, I’ll promise that.” Pahayag nito na ikinahinga ni Heaven bago seryosong binigyan ng tingin si Sven   “Titigil ka na ba pag sinabi ko sayo na kahit anong gawin mo hindi kita magagawang magustuhan? Stop persuing me Mr Sven.” Pahayag ni Heaven bago tinalikuran si Sven at deretsong lumabas ng opisina nito na agad sinabayan ng lakad ni Jamie   “Ang harsh naman ng rejection mo langit kay Mr. Sven, baka bigla kang i-suspend nun dahil sa ni real talk mo sya.” Pahayag na kumento ni Jamie na ikinalingon ni Heaven sa kanya “Kung hindi ko gagawin ‘yun mas ipagpapatuloy pa nya ang ginagawa nya, kung i-suspend nya man ako that is his decision.” Sagot ni Heaven na ikinatapik nalang ng kaibigan nya sa kanyang likuran.   Para kay Heaven tama ang ginawa nya dahil ayaw nyang suyuin pa sya nito gayong alam nya na kahit subukan nya ay hindi nya magugustuhan si Sven romantically. Umasa nalang sya na hindi nalang personalin ni Sven ang mga sinabi nya at madamay ang pagtuturo nya. Gusto nyang magtrabaho ng ayos at ng walang gulo kaya umaasa si Heaven na hindi dadamdamin ni Sven ang mga sinabi nya.   Nang maghiwalay ng daan sina Jamie at Heaven dahil magkaiba sila ng way na daraanan pauwi ay naisipan ni Heaven na dumaan muna sa flowershop na lagi nyang dinadaanan. Nilalakad nya lang kasi ang pag-uwi nya sa apartment dahil hindi naman kalayuan ang tinutuluyan nya sa eskwelahan na pinapasukan nya. Dumadaan si Heaven sa Sunrise flowershop dahil mahilig syang bumili ng bulaklak na Sunflower upang ilagay sa may bintana ng kwarto nya malapit sa higaan nya. Para kay Heaven ang sunflower ay nagsisimbulo ng araw, warmth, happiness, adoration at longevity at gumaganda ang gising nya sa umaga pag nakakakita sya ng sunflower.   Napalawak ang ngiti ni Heaven ng matanaw nya na ang Sunrise Flowershop na ikinabilis nya ng paglalakad upang makarating agad doon. Papasok na sana sa loob ng shop si Heaven ng maagaw ng atensyon nya ang isang magandang kotse na humarurot paalis na sa tingin nya ay galing sa shop dahil nakatigil ‘yun sa tapat.  Hindi alam ni Heaven kung bakit napatingin sya sa kotse na ‘yun na ikinibit-balikat nalang nya bago tuluyang pumasok sa loob ng makita nya ang isang nagtatrabaho sa shop na magandang babae na inaayos ang mga bulaklak sa lagayan ng mga ito na ikinalapit nya dito.   “Hi Bliss!” masayang bati ni Heaven na ikinalingon sa kanya nito na ikinangiti din nito ng makita sya.   “Langit!!!”   Itinigil nito ang ginagawa nya at mabilis na lumapit kay Heaven para yakapin ito, dahil masasabing suki na si Heaven sa sunrise flowershop ay naging malapit na rin sya kay Bliss na matagal ng nagtatrabaho dito. Isa si Bliss sa malapit nya din na kaibigan at pag parehas silang hindi busy ay nagkikita sila para mag bonding. Si Jamie at Bliss ay parehas syang tinatawag na langit dahil ‘yun ang tagalog sa first name nya na hinayaan nya nalang dahil mga kaibigan nya naman ang mga ito.   “Akala ko hindi ka dadaan dito.” Puna ni Bliss matapos itong kumalas sa yakapan nila.   “May kaunting aberya kasi sa school kaya na-late ako ng daan dito, may sunflower ka pa ba?” ngiting tanong ni Heaven na ikinatango ni Bliss   “Syempre meron, teka aayusin ko na para sayo.” Sambit ni Bliss bago saglit na iniwan si Heaven upang ayusin ang bulaklak na gusto nito na ikinaupo muna ni Heaven sa isang stool habang iniikot ang paningin sa buong shop.   “Mukhang ikaw lang ulit ang narito sa shop ah.” Punang kumento ni Heaven na ikinasilip ni Bliss sa kanya habang inaayos nito ang sunflower ni Heaven   “Asussual langit, may gala ang mag-ina kaya ako lang ang narito. Okay nga na wala sila dahil kahit papaano tumatahimik ang araw ko dito sa shop.” Sagot na pahayag ni Bliss na ikinatawa ni Heaven.   Alam kasi ni Heaven na hindi maganda ang tinatrato ng mag-inang may ari ng shop na pinagtatrabahuan ni Bliss. Hindi naman makahanap ang kaibigan ng ibang maayos na trabaho dahil hindi ito nakatapos ng high school. Maganda ang pangalan ng shop pero witches ang may ari nito dahil alam nyang lagi nitong pinahihirapan si Bliss.   Matapos maiayos ni Bliss ang sunflower ni Heaven ay binalikan nya ito at ibinigay ang binibili nito na ikinalawak ng ngiti ni Heaven.   “Nagiging anghel ka sa paningin ko langit pag ganyan ang nakikita kong ngiti sayo, sana hindi mawala ang mga ngiti na ‘yan.” Pahayag na kumento ni Bliss habang kinuha ang bayad ni Heaven na agad nyang itinabi.   “Nakakaganda kasi sa pakiramdam ang sunflower.” Sambit ni Heaven na parang may naalala si Bliss na agad nagpunta sa may lamesa nito at kinuha ang isang boquet ng Daffodil bago binalikan si Heaven at inabot ang daffodil dito na ikinasalubong ng kilay ni Heaven.   “Dalhin mo na din ito langit, sayang kasi eh. May bumili nito kanina super gwapo kaya lang iniwan nya ‘yan at nagmadaling umalis. Hindi ko na nga nahabol eh kasi kahit sukli nya iniwan nya na dito.” Pahayag ni Bliss na kinuha ang boquet ng daffodil at tinitigan ito.   “Baka balikan ‘to nung bumili at hanapin.” Sambit ni Heaven habang nakatitig sa daffodil na hawak   “Sa tingin ko sinadya nyang iwan ‘yang bulaklak eh, tinitigan nya kasi ‘yan tapos viola nag walk out si pogi.” Pahayag ni Bliss na napansin nya ang pagkakatitig ni Heaven sa daffodil na hawak nito.   “Madaming meaning ang bulaklak na ‘yan pero mas kilala ‘yan for symbolizes of unrequited love. Siguro brokenhearted si pogi na bumili nyan kasi may gusto syang babae na may mahal nang iba.” Pahayag na kumento ni Bliss na napalingon sa pintuan ng may costumer na pumasok na agad nyang inasikaso at iniwan muna si Heaven na hindi maalis ang tingin sa bulaklak na hawak nya.   Nagandahan sya bulaklak na hawak nya hanggang sa mapakunot ang noo ni Heaven ng mapansin nya ang isang maliit na card na nakasuksok sa loob ng mga daffodils na agad nyang kinuha at binasa ang nakasulat sa card na isang pangalan na pakiramdam ni Heaven ay narinig nya na kung saan.   “Dex Villiem Mondragon? Bakit parang familiar sa akin ang pangalan na ‘to? Parang may ka-sounds like, weird.” Kumento ni Heaven habang hindi inaalis ang tingin sa card na hawak nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD