Chapter 03
Salubong ang kilay ni Devil na may pinipigilang inis kina Sergio at Blue na titig na titig sa kaniyang mukha kung saan nakikita nila ngayon ang band aid na nakapaskil sa bandang noo ni Devil at maliit na sugat sa gilid ng labi nito na sa pagkaka-alam nila ay wala ito nung umalis siya sa bahay nina Taz kagabi.
Matapos ang pananatili ni Devil sa park kung saan may babaeng may lakas ng loob na pangaralan siya sa ugali na meron siya ay badtrip siyang umalis doon at maagang tinungo ang dating tambayan ng Phantoms na madalang nalang nilang mapuntahan dahil naging abala sila sa paglabas-pasok sa Underground Society. Hindi mawala ang inis ni Devil sa panga-ngaral na ginawa sa kaniya ng babae dahil ‘yun ang unang beses na may nagsalita sa kaniya ng ganun lalo na at tungkol sa GMRC.
Wala namang pakielam si Devil sa kung anong tingin ng mga tao sa ugali na meron siya lalo nan g mga babae na alam naman niyang nagpapa cute lang pag lumalapit sa kaniya at ibang-iba ang babaeng nakasagutan niya sa park dahil hindi ito tulad ng mga ibang babae kung tumingin sa kaniya. Ito rin ang unang beses na nainis si Devil sa comment tungkol sa ugali niya tapos ang inis na nararamdaman niya ay nadadag-dagan dahil sa mga kaibigan niyang usisero at tsismoso na kung makatitig sa mukha niya ay parang ito ang unang beses na makita nila siyang may sugat ang mukha.
“If both of you don’t stop staring at me, I’ll sure to break the neck of you two. Get lost mother*cker!” inis na singhal ni Demon sa dalawa na mabilis na dumistansya kay Devil na nakikita nila ang badvibes na awra nito na masasabi nilang hindi maganda ang maghapon nito.
Dumating si Devil sa hide out nila na sina Blue at Sergio palang ang naabutan niya, sabi ng mga ito ay on the way pa ang iba lalo na si Taz na hindi pa magawang lubayan si Gail na pilit hindi inentertain ni Devil ang muling selos na nararamdaman niya.
“Init ng ulo mo Devil ah! Na curious lang kami ni Ynarez bakit may band aid ang noo mo at may maliit na sugat ka sa gilid ng labi mo.” Usisang pahayag ni Sergio na poker face na binalingan ng tingin ni Devil
“Just die on your curiosity Fritz, don’t f*cking bothered me.” Sita ni Devil na ikina-upo nalang nina Blue sa mahabang sofa at nilubayan si Devil na wala sa mood.
“Sa tingin mo Ynarez, badtrip parin si Devil sa sinabi ko kagabi?” bulong ni Sergio kay Blue na hindi inaalis ang titig kay Devil.
“Siguro, ang gago mo naman kasi. Hindi ka ba marunong maging sensitive sa mga usapin na hindi pwedeng iparinig kay Devil?” bulong na singhal naman ni Blue kay Sergio na kay Blue na itinuon ang tingin
“Oo na mali ako sa part na ang daldal ko pero hindi naman ‘yun ang unang beses na nagka-ganyan si Devil pag tungkol kina Gail at Boss Taz ang nagiging usapan diba? Usually, kinabukasan dapat balik sa pagiging tahimik at kalmadong Devil ‘yan diba?” naguguluhang pahayag ni Sergio na ikinalingon ni Blue sa kaniya
“Bakit ako ang tinatanong mo? Wala din naman akong clue bakit badtrip parin ‘yang si Devil. Basta ang bottom line dito ikaw ang nag umpi----“
“Oi two f*cking bees.”
Sabay na natigilan sina Sergio at Blue sa pagtawag ni Devil sa kanila na sabay nilang ikinabalik ng tingin kay Devil na seryosong nakatingin sa kaniya na sabay nilang ikinangiti dito.
“Hindi ikaw ang pinag-uusapan namin Devil so chill lang diba Ynarez?” natatawang paniniko ni Sergio sa tagiliran ni Blue na natatawa ding sinasaway ang paniniko ni Sergio
“O-oo naman, may iba kaming pinag-uuspa—“
“Do I really need to learn a f*cking GMRC?” putol na pahayag ni Devil na sabay na ikinatahimik nina Sergio at tahimik na tinitingnan si Devil.
Wala silang parehas na clue kung bakit itanong ni Devil ‘yun sa kanila, ayaw naman nilang tawanan ito sa sinabi niya dahil hindi ugali ni Devil ang magbiro so ibig sabihin seryoso ang tinatanong nito na hindi nila alam na dalawa kung bakit may ganitong tanong si Devil at bago pa sila makasagot ay ngising inalis nito ang tingin sa kanilang dalawa.
“Never mind, why do I even f*cking care to ask that s**t question? Who f*cking care about that shitty GMRC.” Usap ni Devil sa kaniyang sarili na may inis parin na ikinatunganga lang nina Sergio dito.
Ito ang unang beses na nakitaan nila si Demon ng ganitong attitude, naninibago silang dalawa kaya nagtatanong na tingin ang ipinikol nina Blue at Sergio sa isa’t-isa dahil naguguluhan sila sa sinasabi ni Devil lalo na at tungkol sa good moral and right conduct ang itinanong nito.
Gusto man nina Sergio na magtanong kay Devil kung bakit niya natanong ang tungkol sa GMRC ay hindi nalang nila ginawa dahil baka hindi lang mura ang matanggap nila. Nanahimik nalang sila sa kinauupuan nila hanggang sa mapalingon sila kay LAY na bagong dating na agad silang binate pagka kita sa kanila.
“That’s rare? You two are silent when I came in? What happened?” ngiting kumento ni LAY kina Blue bago nilingon si Devil na tahimik lang na nakaupo sa stool habang may hawak na baso na may laman na alak.
“Your early to take a zip Vil, something happen?” usisang tanong ni LAY na bahagyang ikina-iling ni Devil na hindi man lang nilingon si LAY na nasanay na naman sa ugali nito.
Nagkibit nalikat nalang si LAY ng si LU naman ang dumating sa hide out na sina Sergio at Blue din ang unang pinuna.
“Akala ko pa naman darating ako na maririnig ko ay ang ingay ng mga bunganga niyo, nakakatakot ang pagiging behave niyo Ynarez.” Punang kumento ni Lu na sinamaan ng tingin ng dalawa sa kaniya.
“Lait ba ‘yan Santos? Tska mukha bang kami talaga ni Ynarez ang maingay sa grupo?”
“Bakit hindi ba? Just add Amadeus and we got hilarious trio in our group, well minus Mondragon II who finally grown matured unlike Fritz.” Pahayag ni Lu na deretsong umupo sa pang isahang sofa at agad binuksan ang T.V upang manuod.
“Nanlalait nga si Lieutenant Fritz, pero may katotohanan ah. May asawa ka na at lahat immatu---“ hindi natapos ni Blue ang sasabihin niya ng malakas siyang itulak ni Sergio dahilan para malaglag siya sa sahig na imbis na maasar ay ikinatawa lang nito.
Nang si Travis naman ang dumating kasabay sina Ford at Balance ay umingay na ulit sina Ynarez, dumating na din sina Paxton, ToV at Tad na binati pa ang tahimik na si Devil na tinaasan lang nito ng hawak niyang baso na pinili nalang hindi guluhin nina Paxton at kina Sergio nalang nakipag-asaran. Dumating na rin si Shawn bitbit ang panganay nitong anak na si Von dahil feel daw nitong dalhin ang anak niya sa una nilang naging tambayan na agad naman na nilaro nina Blue. Ilang minuto ang lumipas ng dumating si Shawn ng si YoRi naman ang dumating na walang imik at bating dumeretso ng upo sa isang stool katapat ng dart na lagi nitong nilalaro. Wala naman pinagbago sa kanila, maingay at napupuna ng asaran ang lugar na kinalalagyan nila, tahimik parin sina Yo at Devil, si Demon lang ang nawala sa kanila dahilan para mabawasan kahit kaunti ang ingay na dala nina Sergio.
Ilang minuto ulit ang lumipas ng dumating na si Taz na agad na ikinatikom ng bibig nina Blue upang iwas sita mula kay Taz na natatawang inasar lang ni Paxton. Napabaling naman ang tingin ni Taz kay Devil na ikinabuntong hininga niya dahil sinabi ni Paxton sa kaniya ang aksyon na ginawa nito kagabi na gusto man niyang sermunan ay pinalagpas na niya muna dahil alam niyang uusisain lang ito ng mga tanong nina Blue na hindi parin tinatantanan na bwisitin ni Paxton.
“Stop the f*cking crap of annoying each other Ignacio, let’s have a f*cking meeting without pissing the others.” Sitang singhal ni Taz kay Paxton na ngising ikina-gesture ni Paxton ng pag zip sa labi niya na ikinailing nalang ni Taz.
“May suspect place ka na ba Taz kung saan kami maghahanap ng taong kailangan natin?” paninimulang tanong ni Balance na ikinaupo ni Taz sa upuan niya at nagdekwatrong seryosong nakatingin sa mga kaibigan.
“Yeah! Ringfer gave me already a place where the person we need spotted, Vigan city In Ilocos Sur was too big so I’ll group you into four. The group that will search in North part of Vigan are, Kiosk, Fritz and Valenzuela. In East part will be Rosales, Ignacio, Santos, in West part will be Amadeus, Mondragon and LAY and in South part will be Han, Torres and Ynarez. While me and Ringfer will go to Bataan to find Valliermo, El Diente called me this morning that he somehow found in that place for some gambling fight.” Pahayag ni Taz na ikinakunot ng noo ni Travis
“Gambling Fight? Bakit Taz, naghihirap na ba ang datinig founder kaya sumasali sa ganun?” usisang tanong ni Travis na ikina-iling ni Taz
“No, as far as I know Valliermo is still the highest paid engineer/businessman in forbes like us. Joining in a gambling fight is a question to me too but it’s not our f*cking concern. We need to find Valliermo to know where Montalvez is while we still can’t find the exact location where he will find.” Pahayag ni Taz na ikinatango nila.
“Kailan ang byahe namin papuntang Vigan ng makapag paalam na kami sa mga misis namin Taz.” Tanong ni Balance
“Tomorrow, the early the better.” Sagot ni Taz ng may maalala si Paxton
“Teka Westaria, diba malapit na ang birthday ni kabalyero? May plano ka ba sa birthday ng panganay mo?”
“Oo nga Boss Taz, malapit ng mag turn ng six years old ang panganay mo may party ba?” excited na tanong ni Blue na poker face na binalingan ni Taz
“You know Ynarez that I hate a freaking party but my wife still push to have one.”
“Mahirap tumanggi sa kumander mo Boss Taz.” Ngising kumento ni ToV na sinundan ni Tad
“Lalo pa at panganay niyo, though nakikinita ko na hindi rin trip ni Knight ang party.”
“True, batang boss Taz. Lalo na ‘yung mga tingin kikilabutan ka.” Kumento naman ni Sergio
“Even the glare in his age, he copied his father.” Kumento naman ni Lu na bahagyang ikinatawa ni Travis
“I agree, tingin na kailangan mo nang tumahi---“ hindi natuloy ni Travis ang sasabihin niya ng makita niya ang masamang tingin ni Taz sa kaniya na agad na ikinatikom ng bibig niya.
“Nakuha mo Amadeus.” Pang aasar ni Shawn na sinamaan lang ng tingin ni Travis.
“I hate party but if my wife want one then I’ll grant it. I’ll do everything to make her happy.” Sambit ni Taz na sinimulan na siyang asarin na pinangunahan ni Paxton
“Ang tamis Westaria, kinikilig ang mga langgan sayo. Pero wag kang mag-alala ganyan din ang goal ko kay Irish, I’ll make her the happiest wife in the whole wide universe.”
“Goal ko din ‘yan Ignacio sa amazona ko, kung Universe sayo galaxy sa akin.” Nagmamalaking ngiti ni Sergio
“So handa mo ng I give up ang pagka adik mo sa yakult?” ngising tanong ni Ford na saglit na ikinatahimik ni Sergio na parang nag-iisip na ikinalabas ni Lu sa cellphone niya.
“Okay, I’ll tell to your wife that your yakult is more important than her.” Pananakot ni Lu na mabilis na ikinatayo ni Sergio at lumapit kay Lu
“Grabe Lu, my wife is important to than yakult noh! S-sige Ipa-ban niyo na ‘yang mga yakult na ‘yan.” Pahayag ni Sergio ng mapalingon sila kay YoRi ng may bigla itong kausap sa cellphone niya
“Yeah! The name Sergio Fritz will be ban in buying that shitty drink, tell that to all suppliers and consumers.” Bored na pahayag ni YoRi na ikinatawa ng lahat maliban kay Devil at Taz ng makita nila ang pagka bagsak ng balikat ni Sergio sa sinabi ni YoRi sa kausap nito.
“Request granted Fritz.” Ngising pang-aasar ni Paxton na bagsak ang balikat na bumalik sa kinauupuan niya na tinapik agad ni ToV ang balikat niya na naiinis niyang tinatabig.
“That’s enough Phantoms, my wife may call you to ask help for my son’s birthday so make sure your phone was reachable, just do the f*cking one meter away from my wife.” Pahayag na paalala ni Taz na ikina ok sign ng lahat maliban kay Devil na lalong tumahimik sa pwesto nito na hindi napapansin na nakatuon ang tingin ni LAY sa kanya.
Matapos ang meeting nila ay nauna ng nagpa-alam si Taz sa mga kaibigan niya ng walang paalam though alam naman nina Paxton na uubusin nito ang oras niya kay Gail at sa dalawa niyang mga anak dahil malalayo na naman siya sa mga ito. Sumunod naman si ToV na umalis dahil marami siyang tatapusin na documents na mga pending case niya bago ito magtungo sa Vigan bukas, nagpa-alam na rin si Lu para makapag-paalam ng one day leave sa major nila ganun din si Blue na kailangang magpa-alam sa manager at mga kabanda niya dahil aabsent na naman siya sa mga rehearsals at practice nila. Umuwi narin sina Ford, Balance, Travis, Shawn, Paxton at Sergio upang makapag-paalam na sa mga asawa nila. Sumunod naman na nagpa-alam si Tad upang magready narin sa pag-alis nila bukas papuntang Vigan at mabigyan nan g bilin ang mga staff niya sa ospital.
Ang natira nalang sa hide out nila ay sina LAY, YoRi, at Devil na napuno ng katahimikan ang buong hide out nila. Tahimik lang si YoRi sa stool na kaharap niya at naglalaro nan g dart habang si Devil ay hindi parin natatapos sa pag-iinom nito na ngiting nilapitan ni LAY na bahagyang ikinalingon ni Devil sa kanya.
“What?” tanong ni Devil na ngiting ikinakuha ni LAY ng baso at nagsalin ng alak doon para samahan si Devil.
“You want to talk about that? I can listen Vil, besides Ringfer is willing to listen to you too that’s why we stay here.” Kalmadong pahayag ni LAY na ikinabalik ng tingin ni Devil sa basong iniinom niya.
“You want me to talk about how stupid I am for keeping this bullshit feelings I have for Gail? Am I starting to be a pathetic son of a b***h who can’t f*cking move on?” walang emosyon na pahayag ni Devil kay LAY
Sa problema ni Devil ay ang kambal niya lang at si Irish ang nakakausap niya tungkol dito. Never niya itong in-open up sa mga kaibigan niya kahit alam ng mga ito ang pinagdadaanan niya sa nararamdaman niya kay Gail na hindi niya mabitaw-bitawan.
“You’re not pathetic Vil, no one is being pathetic for not moving on. First love was hard to forget neither to let go, Ignacio experience that too.”
“I know, but my situation was f*cking different in Ignacio’s situation before. His first love died while mine was happily married to our respected leader. I always saw her, her smile her voice so how can I f*cking let go the feelings that stuck in my f*cking heart Yvanov?” nasasaktang pahayag ni Devil kay LAY
“Then you’re pathetic for still holding on in that f*cking feelings you have for her.” Malamig na pahayag ni YoRi na hindi ikina-imik ni Devil at ikinalingon naman ni LAY kay YoRI.
“Your word Yo, Vil might seriously take that.” Kalmadong puna ni LAY kay YoRi na lumingon sa pwesto nila bago tumayo sa kinauupuan niya at lumapit sa may gilid ni Devil bago nilapag doon ang isang dart na nilalaro niya kanina
“You see this? If you will continue holding this one, you will be hurt in the end because of its sharp. Same to your feelings Mondragon, you will hurt continually if you can’t f*cking let go of it. You can move on, you’re just f*cking hard headed sick in love with Westaria’s wife.” Walang emosyon na pahayag ni YoRi na hindi ikina-imik ni Devil bago ito umalis sa hide out nila at iniwan na silang dalawa ni LAY.
“Somehow, Ringfer was right. You can move on but I think your heart was not willing. Make your heart cooperate with you because not your eyes that seeing her smile nor your ears that hearing her voice will be the reason for you to not let your feelings go, it’s the heart.” Payong pahayag ni LAY na tinapik ang balikat ni Devil bago ininom ang alak sa baso niya at tumayo na sa kinauupuan niya.
“Don’t drink too much and go home safely.” Bilin nito bago iniwan si Devil na nag-iisa at umiikot sa isipan niya ang sinabi ni LAY at YoRi na pakiram niya ay ikakasabog ng utak niya.
“F*ck it!”
Ilang oras pa na nanatili si Devil sa hide out nila bago nagpa-syang umuwi, pinakinggan niya ang mga bilin ni LAY at pagka-uwi niya ay dumretso na siya sa kwarto niya at hindi na nag-abalang kumain ng hapunan o batiin ang ina at ama niya na naririnig niyang nagtatawanan sa may kusina. Dere-deretsong pumasok si Devil sa kwarto at pabagsak na humiga sa kama niya. Naririnig niya na tumutunog ang cellphone niya at wala siyang gana na sagutin ang tawag na ‘yun hanggang sa makatulog na siya.
Kinabukasan ay maagang nagkita-kita ang buong Phantoms sa Airport ni Balance na nagkaroon ng maliit na aberya na pinagdesisyunan nila.
“Ang laki ng airport mo Kiosk pero kulang sa aruga, bakit naman pinagamit mo ang private plane mo?” angal ni Travis kay Balance na binato siya ng flyers na hawak niya na hindi naman umabot kay Travis.
“Gago! Emergency ang tawag dun. Kailangan gamitin ang private plane for emergency purpose, nakapagpa book na naman ako ng flight natin papuntang Vigan. Kahit minsan naman sa buhay mo Lancellot maging normal kang mamamayan.” Sitang singhal ni Balance kay Travis na napaungos nalang.
“Alam mo Amadeus ikaw lang naman ang umaangal sa atin, eroplano din naman ang sasakyan mo marami lang tayong kasabay, lilipad parin ‘yan gago!” sitang puna naman ni Paxton na ikinasimangot na ni Travis ng ibigay na ni Balance ang mga ticket na kinuha niya
“Hindi magkakasama ang seat natin, so pwedeng mahiwalay tayo ng mga upuan. Make sure na hindi kayo magiging istrobo sa mga pasahero na makakatabi niyo. Mahiya kayo sa airport ko.” Paalalang bilin ni Balance na nang-aasar na ikinalingon ni Paxton kina Sergio
“Wala ka naman magiging problema kina Rosales, LAY, Attorney, Lieutenant at sa brother-in-law ko tahimik ‘yan sa byahe. Lalo na ako, I’m behave as usual and Han can behave too same as Torres ewan ko nalang sa tatlo diyan.”
“Paninirang puri ‘yan Ignacio, I’ll f*cking sue you.” Asar na sambit ni Blue na nilingon si ToV na bigla siyang tinalikuran
“Kaibigan ba talaga namin kayo?” angal na pagd-drama ni Blue na ikinatapik ni Sergio at Travis sa magkabilang balikat nito.
“Accept it dude, tatlo lang tayo marami sila kahit saang korte mo tingnan talo tayo.” Naiiling na pahayag ni Travis
“Stop that f*cking drama will you! Our flight was calling us so let’s f*cking move!” sitang pagsusungit ni Devil na nauna ng naglakad na ikinasunod nan g iba sa kaniya.
“Badtrip pa rin si baby Devil hanggang ngayon?” takang tanong ni Blue na inakbayan ni ToV
“Hindi ‘yan badtrip sadyang ganyan lang ang attitude ni Devil pero iparinig mo ‘yang baby na pagtawag mo sa kaniya maba-badtrip talaga ‘yan.” Ngising sambit ni ToV na inis na tinabig ni Blue ang pagka-kaakbay nito na ikinatawa lang ni ToV.
Nang makapasok na sila sa eroplano na sasakyan nila kung saan marami ng pasahero ay hinanap na nila ang upuan nila. Tulad ng sinabi ni Balance ay magkakahiwalay sila ng upuan at tanging si LAY, ToV at Lu ang magkakatabi ng nakuhang upuan. Sa ikatlong row naman ang seat ni Shawn at dalawang pasahero ang pagitan nito kay Balance. Ganun din ang naging pwesto nina Ford at Travis at ganun din sa iba maliban kay Devil na sa dalawahang upuan napapwesto. Siya ang nakaupo malapit sa bintana at ilang oras pa ang hinintay nila bago makasakay lahat ng pasahero ng marinig nila ang announcement ng piloto na malapit na silang mag take off ng maramdaman ni Devil na may katabi na siya sa katabing upuan niya na nakatayo at inaayos ang gamit nito sa taas na compartment na hindi inaasahang nahulog sa ulunan ni Devil na rinig niyang ikina-panic ng may-ari nito na bahagyang nilingon din ng mga pasahero at nina Paxton
“Oh my gosh! I’m sorry hindi ko sinasadya, dumulas kasi ‘yung bag ko. Sorry talaga Mr. “ paghingi ng tawad nito na nagtitimping kinuha ni Devil ang bag nito na pumatak sa ulunan niya at masamang tingin ang ipinukol sa may-ari ng bag na bahagya niyang ikinatigil ng makilala niya ang babaeng nakatayo sa gilid niya at katabi niya ng upuan.
“You?” di makapaniwalang sambit ni Devil na kung kanina ay nag-aalala ito sa pagkakalag-lag ng bag nito sa ulunan niya ay automatic na sumama ang mukha ng babae sa kaniya ng makilala din siya nito.
“Wow, pag bigla ka nga naman minalas. ‘yung walang alam pa sa GMRC ang nakatabi ko. Akin na nga ‘yang bag ko.” Pagsusungit ng dalaga na hinablot ang bagg niya kay Devil at nilagay na ito sa compartment bago naiinis na umupo sa upuan nito.
“In all people I will f*cking share this f*cking seat, why with an irresponsible teacher.” Ngising sambit ni Devil na may pagsusungit din na masamang tingin ang ipinukol ng dalaga sa kaniya.
Curious na sinsisilip nina Travis ang upuan na kinauupuan ni Devil at kung sino ang kausap nito na parang may nakikita silang itim na ulap sa ulunan ng mga ito na may lumalabas na kidlat na parang may masamang panahon ang namumuo sa pwesto na kinauupuan ni Devil.