Chapter 27 “Ok Children, huwag niyong kakalimutan ang bilin ko okay? I need your parents this Friday para pag-usapan ang tour niyo two weeks frome now, maasahan ba kayo ni Teacher?” malawak na ngiting paalala ni Heaven na masaya at excited na ikina sagot ng kaniyang mga estudyante maliban kay Knight na tahimik sa kinauupuan nito. “Ok, see you tomorrow kids.” Maagang pinalabas ni Heaven ang mga estudyante niya at tanging si Knight nalang ang natira, dalawang araw na ang nakalipas matapos ang kaarawan ni Knight, dalawang araw na din ang lumipas simula ng mangyari ang pag-amin niya kay Devil at dalawang araw na rin ang lumipas simula ng umalis siya sa bahay ni Devil at lumipat sa apartment ni Nicollo na inalok nito sa kaniya. Bagamat malayo-layo ang apartment na pinahiram ni Ni